Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovi Poe JM de Guzman Jameson Blake

JM, Jameson nagpatalbugan sa pagpapakita ng puwet

RATED R
ni Rommel Gonzales

GUILTY as charged si Lovi Poe.

Sa anong kaso?

Sa pagiging napakahusay na aktres.

Napanood namin ang Guilty Pleasure na pinagbibidahan ni Lovi at humanga kami sa brilliance ng acting na ipinakita ng aktres bilang si Atty. Alexis Miranda.

Noon pa naman kami bilib sa pagiging mahusay na artist ni Lovi, pero mas lalo niya kaming napahanga sa Guilty Pleasure dahil paniniwalaan mo siya talaga bilang isang abogada, matapang, matatag, pero may mga pagkakataong mahina at api dahil biktima ng pang-aabuso na hindi kayang ipagtanggol ang sarili.

Si JM de Guzman bilang si Adam, without even trying ay kamumuhian ng viewers bilang isang lalaki na sobra ang pagmamataas sa kanyang sarili, na he is God’s gift to women.

Ganoon din halos ang papel ni Dustin Yu, bilang si Zachary na isang celebrity na guwapo at sikat at habulin ng mga babae. Kaaliw ang dayalog niya kay Lovi na, “Tingnan mo nga ako Attorney, sa itsura kong ito, palagay mo ba kailangan kong mang-rape ng babae? Eh, ako nga ang nire-rape, eh!”

Pero as it is, hindi natin dapat gawing magaan o biro ang usaping rape dahil marami talaga ng biktima nito, mapa-babae o mapa-lalaki.

Si Angelica Lao na kamukha at kaboses ni Coleen Garcia, rebelasyon sa pelikula bilang si Madison na biktima ng rape. 

Nakakasabay si Angelica sa aktingan kina Lovi at JM kaya malaki ang potensiyal na mas umangat at sumikat pa siya bilang artista.    

Okay naman ding suporta si Sarah Edwards bilang si Kate na napangasawa ng karakter ni JM.

Pero ang rebelasyon para sa amin ay si Jameson Blake bilang si Matthew.

Ang pagkakakilala kasi namin sa kanya ay isang pa-tweetums na matinee idol, guwapo, makinis, may dimples.

Pero sa Guilty Pleasure, nagalingan kami kay Jameson. Malaki na ang in-improve niya bilang aktor, at hindi na napapansin ang accent niya, matatas, madulas na siyang mag-deliver ng linyang Tagalog.

Bonus sa pelikula ang pagpapakita ng puwet nina JM (grabe siyang kumadyot!) at Jameson (napakaputi ng butt!) pero hindi naman nagpahuli si Dustin dahil may eksenang pinilit niya si Angelica/Madison na i-Buko Juice siya.

Kung ano ang ibig namin sabihin, watch na kayo ng Guilty Pleasure na palabas na ngayon sa mga sinehan nationwide, sa direksiyon ni Conception “Connie” Macatuno.

Mula ito sa Regal Entertainment, Inc. at C’est Lovi Productions.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …