Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Abot Kamay Na Pangarap

Abot Kamay Na Pangarap magbababu na sa ere; Jess Martinez wish ang youthful genre

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA Sabado, Oktubre 19 ay mamamaalam na sa ere ang GMA top-rating drama series na Abot Kamay Na Pangarap.

Isa sa mga napanood sa serye ay ang gumanap bilang si Diwata, ang magandang newcomer na si Jess Martinez na alaga ni Rams David ng Artist Circle Talent Management.

May nasabi na ba kay Jess ukol sa susunod na plano sa kanyang career? Ano pa ba ang gusto niyang subukan na genre bilang artista?

Lahad ni Jess, “I would always suggest to my manager na I want genres na youthful, high school na mga vibes.

“So that I could enjoy my youth, kasi you know, tumatanda rin ako… tatanda rin ako eventually.

“So while I’m still young, I wanna have those type of movies or test areas and baka naman… I think mayroon naman nila-line up si Tito Rams sa akin na ganoong type of genre.”

Ang pinaka-naka-bonding ni Jess sa Abot Kamay Na Pangarap ay si Wilma Doesnt na gumaganap na tiyahin ni Diwata na si Josa.

Of course, Ms. Wilma, I really love the humor of Ms. Wilma,” pakli ni Jess.

Even though I’m like a baguhan again, she would really guide me as if I’m her daughter. She would tell me kung anong mga dapat kong i-improve, dapat kong baguhin, and dahil doon mas natututo ako, kasi if walang makakapagsabi sa akin kung anong mga mali na nagagawa ko sa set, then hindi naman ako mag-improve as an actor.

“So I’m grateful that she’s willing and that she’s brave enough to say kung ano dapat ‘yung mga kailangan ko pang i-improve.”

Bida sa serye si Jillian Ward kasama rin sina Richard Yap, Allen Dizon, Kazel Kinouchi, Andre Paras, Eunice Lagusad, Chuckie Dreyfus, ang South Korean actor na si Kim Ji-soo at marami pang iba.

Samantala, bukod sa pagiging artista ay endorser si Jess ng Skinlandia Skin Care clinic ni Noreen Divina at ng Medicare Plus.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …