Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Will Ashley Balota

Will Ashley aariba ang career dahil sa Balota

RATED R
ni Rommel Gonzales

STAR STUDDED ang celebrity red carpet premiere ng pelikula ni Marian Rivera, ang Balota. Napakahusay ng pagkakaganap ni Marianin a deglamourized role bilang teacher na marumi at haggard dahil magdamag na na-stranded sa gubat para proteksiyonan ang bitbit niyang ballot box.

Nakatsikahan namin sandali ang mister ni Marian na si Dingdong Dantes na excited dahil may theatrical showing na simula October 16 sa mga sinehan.

Unang napanood in a limited release ang pelikula sa nakaraang Cinemalaya Film Festival (na waging Best Actress si Marian) sa mga sinehan sa Ayala Malls Manila Bay nitong Agosto pero ngayon ay nationwide na ang showing.

Siyempre pa, bukod kay Marian, dumalo rin sa red carpet screening ang direktor ng pelikula na si Kip Oebanda gayundin sina Raheel Bhyria, Sassa Gurl, Marian, Esnyr Ranoll, at Will Ashley na ang galing-galing sa movie bilang anak ni Teacher Emmy na papel ni Marian.

Dapat kabahan ang ibang Kapuso actors na kaedad ni Will dahil malaki ang potensiyal na umariba pa nang husto ang career pagkatapos ng pelikula.

Dumalo rin sa screening bilang suporta ang mga Kapuso stars tulad nina Pokwang, Ivana Alawi, Mona Louise Rey, Nadine Samonte, Kristofer Martin, Kate Valdez, Fumiya Sankai, Kyline Alcantara, Kobe Paras, Jerald Napoles, Kim MolinaRuru Madrid at Bianca Umali.

Nasa event rin si Ms. Noreen Divina na may sariling pa-block screening sa katabing cinema na pinagdausan ng screening ng GMA.

Ibang klase rin ang friendship nina Marian at Noreen kaya naman laging nakasuporta ang huli sa kanilang prized Nailandia endorcer.

Dumalo rin si Jess Martinez na endorser naman ng Skinlandia ni Noreen at cast member ng Abot Kamay Na Pangarap with her manager Rams David and good friend din ni Marian, ang aktres na si Shyr Valdez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …