Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa P114-B  mungkahing budget sa 2025
4Ps NG DSWD IGINIIT REPASOHIN TANTOS NG BANSOT MATAAS MALNUTRISYON ‘DI NATUGUNAN 

MULING nanawagan si Senador Alan Peter Cayetano sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na suriin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil tila hindi nito epektibong natutugunan ang malalang problema ng pagkabansot ng mga batang Pinoy.

Ipinahayag ito ni Cayetano matapos ang pagdinig ng Senado sa panukalang 2025 budget ng DSWD nitong 14 Oktubre 2024.

Ipinunto ng senador ang lumabas sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) nitong taon na kulang ang early childcare at prenatal intervention sa Filipinas kaya mataas ang tantos ng mga bansot sa bansa.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang pagkabansot ay ang mabagal na paglaki ng isang bata dahil sa kakulangan sa nutrisyon at paulit-ulit na impeksiyon. Maaari itong humantong sa poor cognition, low educational performance, mababang productivity sa pagtanda, at posibleng maagang kamatayan.

“According to UNICEF, 95 children in the Philippines die every day from malnutrition, and 27 out of every 1,000 Filipino children don’t make it past their fifth birthday,” wika ni Cayetano.

Kinuwestiyon tuloy ng senador kung epektibo nga ba ang 4Ps, na aniya’y binuo para tugunan ang kagutuman at kahirapan sa bansa.

“If the 4Ps is meant so that may makain ang mga bata para hindi sila maging malnourished, and if the 4Ps takes care of the poorest of the poor, bakit one-third of Filipinos ang stunted (bansot) pa rin?” wika niya.

Umabot sa P114 bilyon ang hinihinging pondo ng gobyerno para sa pagpapatupad ng 4Ps sa susunod na taon — mas mataas ng P8 bilyon kaysa budget ngayong taon.

Sa kasalukuyan, 4.2 milyong pamilya ang benepisaryo ng 4Ps program. Kabilang sa mga benepisyo ay buwanang health grant na hindi bababa sa P750 para sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga bata at buntis tulad ng regular na check-up at tamang nutrisyon.

Giit ni Cayetano, hindi lamang dapat subaybayan ng DSWD ang pagsunod ng benepisaryo sa mga kondisyon ng programa kundi kung tunay nga bang napapabuti ang nutrisyon ng mga bata o hindi.

“There’s a disconnect between the policy, the funding, and the actual results. Are we falling short with 4Ps?” pahayag niya.

“The first priority should be making sure these kids aren’t going to school hungry,” dagdag niya.

Ayon sa senador, posibleng hindi rin sapat ang kaalaman ng mga magulang tungkol sa masustansyang pagkain kaya hindi nagagamit nang maayos ang health grants.

“Many parents might not know the best way to spend the money on proper nutrition,” sabi ni Cayetano.

Nababahala ang senador dahil sa pangmatagalang epekto ng pagkabansot sa kabataang Filipino, na may negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa.

“The highest return on investment is in maternal health and early childhood,” aniya.

Diin niya, napakalaking bahagi ng unang dalawang taon ng buhay ng isang bata sa kahihinatnan niya sa pagtanda.

“Stunting after two years can be permanent, irreversible, and even fatal,” wika niya.

“It’s not just about increasing funds but ensuring that those funds are truly addressing child stunting and malnutrition,” ani Cayetano. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …