MARIING pinabulaanan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang lahat ng akusasyon laban sa kanya ni Erwin Espinosa.
Banta ni dela Rosa, baka suntukin niya ang mukha ni Espinosa sa sandaling makita niya dahil puro kasinungalingan ang pinagsasabi laban sa dating PNP chief na ngayon ay isang senador.
Inamin ni Dela Rosa, minsan niyang kinausap si Espinosa matapos ang pagdinig sa senado sa kanyang custodial center upang alamin ang umano’y panunuhol sa kanya ni Espenido, liban doon ay wala na silang pinag-usapan pang iba.
Nanindigan si Dela Rosa na kailanman ay hindi siya nakipag-usap sa kahit sinong bilanggo para idiin ang isang tao sa isang krimen.
Hindi tuloy naitago ni Dela Rosa ang kanyang rebelasyon na batid niyang sa kabila na nakakulong si Espinosa ay tuloy pa rin ang operasyon ng ilegal na droga sa Alguera.
Bukod dito, tahasang sinabi ni Dela Rosa na kahit napawalang sala siya sa kaso niya ay hindi maitatagong isa siyang drug lord.
Tiniyak din ni Dela Rosa, sa kabila ng ilang beses nang nakaladkad ang kanyang pangalan sa Quad Comm., hearing, kailanman ay hindi siya dadalo sa pagdinig nito. (NIÑO ACLAN)