NAIS masolusyonan ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang problema sa kawalan ng internet connection sa mga liblib na lugar at magkaroon ng internet sa murang halaga.
Sa kanyang talumpati sa pagdalo sa 2024 Cavite Cooperative Month Celebration na ginanap sa Strike Gym sa Bacoor Cavite, ipinagmalaki ni Tolentino na maghahain siya ng panukalang batas para sa pagkakaroon ng internet services cooperative na naglalayong makapagbigay at makapagsilbi ng internet connection sa mga bayan at liblib na lugar sa murang halaga sa pamamagitan ng mga kooperatiba.
Ipinunto ni Tolentino, ang naging modelo ng kanyang ihahaing panukalang batas na lingid sa kaalaman ng nakakarami ay ang isang engineering technique sa Pulilan, Bulacan, na noong panahon ng pandemya ay nakagawa ng internet connection services sa tulong ng Lokal Pamahalaan at Kooperatiba na ginamit noon sa work from home at hybrid education system nang walang bayad.
Naniniwala si Tolentino sa pamamagitan nito magkakaroon sa mga liblib na lugar ng internet connection sa murang halaga sa pamamagitan ng mga kooperatiba.
Kompiyansa si Tolentino na makalulusot ito sa senado at susuportahan ng kanyang mga kasamahan dahil para sa ikabubuti ito ng mga kababayan.
Nakatakdang ihain ni Tolentino ang panukalang batas sa susunod na linggo. (NIÑO ACLAN)