Friday , November 22 2024

Nagsimula sa P8.9-B, lumobo sa P27-B
NEW SENATE BUILDING UMABOT NA SA P33-B  
Senators sa 2027 pa makalilipat

101124 Hataw Frontpage

ni NIÑO ACLAN

BUKOD sa naantala, muling lumobo ang halagang igugugol sa itinayong New Senate Building (NSB) at malamang, sa 2027 pa ito malilipatan ng mga senador.

Ito ang ibinunyag ni Senador Peter Alan Cayetano, Chairman ng Senate committee on accounts sa  kanyang isinagawang press conference.

Ayon kay Cayetano, hindi nila papayagan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang nais ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na abutin ang kontruksiyon nang mahigit sa 48 buwan.

Iginiit ni Cayetano, hindi makatarungan ang planong ito ng DPWH lalo na’t ilang taon nang nasimulan ang kontruksiyon.

Tanggap ni Cayetano na lubhang nakaapekto sa paglaki ng presyo ng gastusin sa gusali ang pabago-bagong plano at implasyon sa nakalipas na dalawang taon.

Gayonman, ibinunyag ni Cayetano ang kawalan ng aprobadong Detail Architectural Engineering Design (DAED) ang isa sa lubhang nakaapekto para sa pabago-bagong design kaya natagalan ang kontruksiyon bukod pa sa karagdagang gastos.

Sinabi ni Cayetano, hindi nakonsulta ang mga senador sa mga naunang DAED na inilabas dahilan para muling ulitin at hindi agarang matukoy kung magkano ang gagastusin sa kontruksiyon.

Kung susundin ang panukala ng DPWH na bukod sa 2027 pa posibleng matapos ng kontruksiyon ay aabot sa P33 bilyon ang kabuuang gagastusin.

Kasama sa P33 bilyon ang presyo ng lupa, gastos sa gusali, kasama ang mga furniture.

Magugunitang ang orihinal na presyong nakalaan sa New Senate Building ay nasa P8.9 bilyon ngunit sa proseso ng konstruksiyon ay lumobo sa P27 bilyon at sa kasalukuyan ay sinabi ngang posibleng umabot na sa P33 bilyon.

Tiniyak ni Cayetano, masusing pinag-aaralan at tinututukan ng kanyang grupo ang NSB, at bukod dito, hindi na daraan sa mga ‘layering’ ang konstruksyon ng gusali.

Hindi tahasang sinabi ni Cayetano kung mayroong anomalya sa pagtatayo ng naturang gusali ngunit sinabing mayroong ‘presumption of irregularities.

About Niño Aclan

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …