Friday , November 15 2024
Ramon San Diego Bagatsing III Pablo Dario Gorosin Ocampo

Haligi ng serbisyo publilko sa Maynila
BAGATSING AT OCAMPO NAGKAISA PARA SA BAGONG PILIPINAS

NAGSANIB-PUWERSA sa isang malalim na  makasaysayang pamana ng paglilingkod ang mga Bagatsing at Ocampo sa pagsasagawa ng isang desisyon kahapon, 8 Oktubre 2024.  

Ito ay matapos, pormal na maghain ng kandidatura ang mga kinatawan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) – Manila sa Commission on Elections (COMELEC) sa SM City Manila sa huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) na sina Ramon San Diego Bagatsing III, tatakbong alkalde kasama ang kanyang running mate na si Pablo Dario Gorosin Ocampo.

Sa kabila ng hamon ng panahon, nananatiling buo ang dedikasyon ng mga Bagatsing at Ocampo na ipagpatuloy ang kanilang malinis na pangalan sa pamahalaan.

Kilala ang mga Bagatsing sa kanilang walang bahid ng korupsiyon at tapat na paglilingkod mula pa noong termino ng dating Manila Mayor Ramon D. Bagatsing, Sr., ang pinakamatagal na naglingkod na alkalde ng lungsod.

Samantala, ipinagmamalaki ng mga Ocampo ang kanilang makasaysayang kontribusyon sa paglilingkod sa publiko, partikular ang yumaong congressman Pablo Villaroman Ocampo, ama ni Chikee Ocampo, at ang anim na terminong serbisyo ng kanyang kapatid na si congresswoman Sandy Ocampo sa ika-6 na Distrito ng Maynila.

Sa kanilang mga pangalan, nananatiling buhay ang prinsipyo ng mabuting pamamahala, malasakit sa taongbayan, at pananagutan sa paglilingkod sa publiko.

Ipinagpapatuloy nina Bagatsing at Ocampo ang haligi ng pamana ng kanilang mga pamilya sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas, ang partido ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na nagsusulong ng tunay na pagbabago para sa isang Bagong Pilipinas.

Bilang mga pangunahing kandidato ng PFP-Manila, sina Bagatsing at Ocampo ay nananawagan sa mga Manilenyo na suportahan ang kanilang plataporma ng malinis, tapat, at makataong pamamahala.

Kasama rin sa kanilang slate ang mga kandidato sa pagka-konsehal tulad nina Aldwin Hamilton Tan, Eduardo V. Quintos XVI, Marilou M. Ocsan, Paulino Martin N. Ejercito, Jr., Gloria V. Enriquez, Gladina A. Villar, mula sa District 5, at Romualdo Billanes mula sa District 6.

“Ang layunin namin ay maibalik ang dangal ng Maynila bilang sentro ng oportunidad at progreso, isang lungsod na may pagmamahal sa bayan at disiplina sa pamumuno,” ani Bagatsing.

Dagdag ni Ocampo, “Kami ay narito upang maglingkod na may malasakit at buong-pusong dedikasyon, na may takot sa Diyos at paggalang sa kapwa.”

Sa pagsuporta ng PFP National President Gov. Reynaldo Tamayo at ng buong pamunuan ng partido, handang magsimula ng isang bagong kabanata sa pamahalaan ng Maynila ang tambalang Bagatsing at Ocampo. Ang kanilang pamumuno ay hindi lamang pagbabalik ng mga tradisyong politikal ng kanilang pamilya, kundi pagsulong ng mga makabagong programa na naglalayong magbigay ng pantay na oportunidad para sa lahat ng mamamayan, lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan.

“Panahon na para sa tunay na pagbabago sa ating lungsod. Ito rin ang laban ng bawat Manilenyo para sa Bagong Maynila at Bagong Pilipinas,”pagtatapos ni Bagatsing. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …