Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alexa Ilacad Kim Ji-soo

Alexa ‘natakot’ kay Kim Ji soo

RATED R
ni Rommel Gonzales

AMINADO si Alexa Ilacad na sa simula ay na-intimidate siya sa leading man niya sa Mujigae, ang South Korean actor na si Kim Ji-soo.

At first I was a bit nervous and I’m not gonna lie, medyo na-intimidate talaga ako kay Ji Soo, kasi ang tangkad,” wika ni Alexa.

Hindi ko siya matingnan ng diretso, kailangan nakatingala ako, 6’2 siya, 5’2 ako.

“Pero, hindi, I was really excited din kasi I know professional Korean stars are and I’ve never really worked with anyone na Korean star.

“So the first time I met Ji Soo it was for the look-test, so parang in a way sinabak na agad kami sa trial scene, without really the you know, formal introduction, so I was a bit intimidated.

“Pero I saw naman in his eyes na open naman siya, so kinapalan ko na po ‘yung mukha ko, kinausap ko, nakipag-eksena ako sa kanya and nagbibigay talaga siya, kahit feeling ko hindi niya ako naiintindihan minsan, nagbibigay talaga siya.”

Gumaganap sa movie si Alexa bilang si Sunny, si Ji Soo bilang Ji Sung Park, at ang child actress na si Ryrie Sophia bilang si Mujigae.

Nasa pelikula rin, na mula sa produksiyon ng UxS (Unitel x Straightshooters) at ng producer na si Madonna Tarrayo, si Rufa Mae Quinto at sina Richard Quan, Kate Alejandrino, Donna Cariaga, Cai Cortez, Roli Inocencio, Anna Luna, Lui Manansala, at Peewee O’Hara.

Ang Mujigae ay mula sa direksiyon ni Randolph Longjas at sa panulat ni Mark Raywin Tome.

Palabas na ito ngayon sanmga SM cinema.

Napapanood din nga pala si Ji Soo bilang Dr. Kim Young sa Abot Kamay Na Pangarap ng GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …