Sunday , April 13 2025
Pia Cayetano

Ina, abogada, atleta, subok na mambabatas
PIA “KAMPANYERA” CAYETANO MULING TATAKBO PARA SA SENADO

INIHATID si Senadora Pia Cayetano ng halos 150 siklista mula sa Taguig, Maynila, at Pasay City kasama ang kanyang bunsong anak na si Lucas, para maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa 2025 senatorial Elections kahapon 6 Oktubre 2024 sa Tent City, Manila Hotel, Ermita, Maynila.

Si Cayetano, ay isang senadora na may dalawang dekadang mahusay na track record, at sa paghahain ng kandidatura, ipagpapatuloy niya ang kanyang mga adbokasiya gaya ng sustainable transportation at health and wellness.

Mula sa Senado ay nagbisikleta ang grupo mula sa Taguig at nakasama ang grupo ng mga siklista mula sa Pasay malapit sa Cultural Center of the Philippines. Dumaan ang grupo sa Rajah Sulayman Park kung saan naghihintay ang mga siklista mula sa Maynila. Naroon din sa liwasan ang mga benepisaryo ng programang Presyo, Trabaho, Kita/Kaayusan (PTK) na dumalo upang ipakita ang kanilang suporta kay Cayetano.

Ang personal na mga karanasan ng Senadora bilang isang working mother, anak, at babae ay nagbigay sa kanya ng mas malalim na pag-unawa sa mga pangangailangan ng mga Filipino, lalo ng mga kababaihan at bawat pamilya, at humubog sa kanyang gawain bilang senadora. Masasalamin ito sa mga batas na kanyang isinulong, tulad ng Rare Disease Act, na nagbibigay ng suporta sa mga pasyenteng may bihirang sakit, at ang Magna Carta of Women, na nagtataguyod ng pantay na karapatan at oportunidad para sa kababaihan.

Sa 20 taon ng kanyang paninilbihan sa bayan, nanguna si senadora Cayetano sa pagpapasa ng mahahalagang batas sa larangan ng healthcare, edukasyon, at ekonomiya. Kabilang dito ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act, Anti-Age Discrimination in Employment Act, Expanded Breastfeeding Promotion Act, Universal Health Care Act, at ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, at iba pa. Sa kanyang muling pagtakbo, layunin niyang ipagpatuloy ang pagsusulong ng sustainable development, pinalawig na access sa healthcare, dekalidad na edukasyon, at pag-unlad ng sports.

Bilang isang abogada, ekonomista, at atleta, patuloy na isinusulong ng senadora ang mga adhikaing nagtataguyod sa kapakanan ng bawat Filipino.

Si Senadora Cayetano ay kasalukuyang Chairperson ng Senate blue ribbon at energy committees, at Senior Vice Chair ng finance Committee. Dating pinamunuan niya ang mga komite sa Sustainable Development Goals, Innovation, and Futures Thinking; Ways and Means; Health and Demography; Education, Arts, and Culture; at iba pa.

Bukod sa mga pangunahing batas, patuloy siyang nagtutulak ng dagdag na pondo para sa edukasyon, healthcare, sining, kultura at kasaysayan, at sports. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ay naabot ang pinakamataas na budget para sa higher education, kabilang ang dagdag na pondo para sa medical schools upang tugunan ang kakulangan ng healthcare workers sa bansa. Isinulong din niya ang mga scholarship upang gawing mas abot-kaya ang edukasyon.

Sa larangan ng kalusugan, siniguro ni Senadora Cayetano ang pondo para sa mahahalagang healthcare infrastructures tulad ng mga ospital, super health center, pati na ng mga kinakailangang medical equipment para rito. Pagdating sa sining, kultura at kasaysayan, binigyang tuon niya ang pangangalaga at conservation works; at tinugunan ang ilang prayoridad tulad ng fire protection system para sa National Library of the Philippines. Sa loob ng maraming taon, sumuporta siya sa mga atleta kabilang kay EJ Obiena at sa magkakapatid na Yulo, sinusuportahan ang iba’t ibang grassroots program, nagseseguro ng pondo para sa kanilang pagsasanay at kompetisyon, at namumuhunan sa impraestruktura para sa sports.

Sa labas ng senado, ipinagpapatuloy niya ang kanyang adbokasiya sa pamamagitan ng Pinay In Action (PIA), na kanyang sinimulan bago pa man pumasok sa politika. Ang PIA ay kanyang advocacy arm na naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga kababaihan at kabataang babae sa pamamagitan ng kalusugan, sports, at fitness.

Nagsasagawa ito ng mga sports clinic at event, seminar tungkol sa kalusugan ng ina at anak, at iba pang kaugnay na aktibidad sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan, mga tagapagtaguyod ng kalusugan at sports. Sa pamamagitan ng PIA, napalawak ni senadora Cayetano ang kanyang abot higit pa sa paggawa ng batas, direktang nakaaapekto sa mga komunidad at indibiduwal sa buong Filipinas.

Siya ang walang pagod na kampanyera para sa kalusugan ng mamamayan, edukasyon, kabataan, at karapatan ng mga kababaihan. Isa siyang abogada, ekonomista, atleta, at ina. Tunay ngang sinasalamin ni Senadora Pia ang isang “Pinay In Action”. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …