Sunday , November 24 2024
BingoPlus Pinoy Drop Ball

BingoPlus inilunsad pinakabagong digital perya game, Pinoy Drop Ball

IPINAKILALA ng BingoPlus, nangungunang digital entertainment, ang kanilang pinakabagong perya game, ang Pinoy Drop Ball sa isang selebrasyong puno ng mga kilalang personalidad noong Linggo, Setyembre 29, sa Grand Hyatt Manila. Tampok sa paglulunsad ang mga pagtatanghal mula sa BingoPlus endorser at TV host Maine Mendoza at ilan pang mga bisita na sina Julie Anne San Jose at Alamat.

Tinaguriang “homegrown creation” o nilikha ng mga Pinoy para sa mga Pinoy, ang nakasasabik na bagong palaro mula sa BingoPlus na nagpapabalik ng pakiramdam ng karanasang perya na kilala at mahal ng mga Filipino, sa paraang dinamiko at bago na BingoPlus lamang ang makapagbibigay.

Kalahok na ang Pinoy Drop Ball sa popular na mga digital na laro ng DigiPlus, gaya ng Bingo, Tongits, at Perya Games. Nararapat banggitin na ang Pinoy Drop Ball ang kauna-unahang live-streamed na drop ball game sa Pilipinas, at nagtatakda ito ng panibagong pamantayan sa digital perya gaming sa bansa. Higit sa pagiging isang panibagong laro, sinasalamin ng Pinoy Drop Ball ang malalim na pagkilala ng DigiPlus sa tunay na kagustuhan ng mga Filipinong manlalaro–awtentiko at nakaugat sa kulturang mga laro na nakikipagtambal sa bentahe ng teknolohiya.

Bilang isang brand na nirerespeto ang kulturang Filipino, misyon naming iangat ang tradisyonal na Pinoy entertainment upang makasabay sa modernong panahon. Katulad ng minahal na mga Filipinong laro gaya ng Bingo Mega, Color Game, Papula Paputi, ipinapangako ng Pinoy Drop Ball na pasasabikin ang mga manlalaro at mas lalo pang mahihikayat na sumali sa BingoPlus Platform,” ani DigiPlus Interactive Corp. Chairman Eusebio H. Tanco sa kaniyang talumpati sa grand reveal.

Tanda ang Drop Ball na pasulong tayo sa misyong ito, at patuloy ang BingoPlus sa pagtulay ng mga offline na tradisyon at modernong teknolohiya, para lumikha ng mas nakasasabik na karanasan para sa lahat,” dagdag pa.

Kaya kakaiba ang Pinoy Drop Ball ay dahil naglalatag ito ng nakasasabik na pagkakataon na manalo ng malaki mula sa mga multiplier. Kasabay ng pakiramdam na naglalaro ng isang perya game, nakikipaglaban din ang mga manlalaro para sa mga premyo. Sumusunod ang Pinoy Drop Ball sa mga payout rule para sa anim na betting area. Kung ang card na hawak ay may iisang bola, makatatanggap ang manlalaro ng 2x payout, at kung dalawa naman ang bola, mayroong 3x payout. Kung tatlong bola ang tatama sa isang card, papasok sa Pachinko round ang laro, at mabibigyan ng tsansa ang mga manlalaro sa mas malaking papremyo. Itong bonus round na ito ay magbubukas ng 15 na slot na may 10, 50, 100, hanggang 200 na multiplier, na lumilikha ng mas kapana-panabik para sa manlalaro. Tinatayang 40 beses maaaring mangyari ang triple cards na ito. Dahil naka-live stream 23/7, damang-dama ng mga manlalaro ang pagiging kalahok, nasaan man sila, ano mang oras ng araw.

Ang paglikha ng digital game na nakaugat sa kulturang Filipino ay nangangailangan ng pagsusumikap, at naglaan ng panahon, oras, at rekurso ang BingoPlus sa pananaliksik at pagtataguyod ng laro, upang tunay nitong nalilikha ang laro ng masasayang pista sa mga bayan, habang binibigyang-akses ang lahat sa isang mobile-friendly na format.

Nagbunga naman ang lahat ng pagsusumikap na ito, nang dumaan sa testing at naging lisensyado ng PAGCOR. Sinukat ang mga mesa para masiguro ang katatagan nito habang naglalaro, at tinimbang din ang mga bola at nilikha upang tamang-tama ang maging gameplay. Bawat inspeksyon ng mga kagamitan at ng laro ay maiging inobserbahan ng mga opisyal ng PAGCOR upang garantisadong tapat ang resulta ng bawat round, at sumusunod sa istriktong regulasyon. Dagdag pa rito, magpapalit ng host ang BingoPlus kada 30 minuto upang bigyang-konsiderasyon ang iba-ibang paraan na inihahagis ang bola.

Sa paglulunsad ng Pinoy Drop Ball, ipinagpapatuloy ng BingoPlus na baguhin at pagandahin ang danas ng mga Pinoy sa mga laro na minahal nila ng ilang henerasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …