Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Talento mo sa paggawa ng parol, isali sa “Kumukutitap 4” ng QC

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

IKAW ba ay isa sa daang libong QCitizens na may itinatagong galing o talento sa paggawa ng parol (lantern)?

Kung mayroon kang taglay nito, ilabas na iyan at sumali sa paligsahan sa paggawa ng masasabing authentic na parol.

Malay mo ikaw ang tanghaling kampeon at makapag-uwi ng papremyong P30,000 (cash). May pampasko ka na at ang inyong pamilya – noche buena at media de noche. Ayos hindi ba?

Tinutukoy nating  paligsahan ay ang isa sa programa ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto –  4th Christmas Parol Making Contest. Ang paligsahan ay bukas sa lahat ng residente ng lungsod.

Ang tema ng paligsahan ay “Kumukutitap 4: Maningning na Pasko ng Pamilyang Pinoy.” Katuwang ng opisina ni Sotto sa proyekto ang ETON Centris at ETON Properties Philippines Inc.

Sa mga nais na sumali, kinakailangan ang isusumite o ilalaban na parol ay yari sa recycled materials. Oo, kailangan 80 hanggang 100 porsiyento ay gawa sa recycled materials. Bukas na ang pagsusumite ng entry ha at magtatapos sa 8 Nobyembre.

Heto pa ang good news sa paligsahan – ikaw na magwawagi ng first place sa halagang P30,000 ay makatutulong din sa inyong barangay dahil ayon kay Sotto ay makatatangap ang inyong barangay ng hiwalay na P30,000 cash. Ayos, huwag lang ibulsan ni kupitan este kapitan.

Habang ang ikalawa at ikatlong mananalo ay makatatangap ng P20,000 at P15,000, ayon sa pagkakasunod. Siyempre gayondin ang kanilang barangay.

Sa kabuuan ng mga maisumiteng entries, mamimili rin ng 20 surprise winners na makatatanggap ng tig-P5,000 cash. Ayos na ayos, walang katalo-talo sa paligsahan na ito. Makasali nga Vice, sayang din ang pagkakataon. Hehehehe. Minsan nanalo na ako niyan – first place. Third year high school ako noon.

Ang entry – parol ay kinakailangan nasa 4’x4’ ang sukat nito, nasa apat na kilo ang timbang at battery-operated o solar-powered ang mga pailaw kung saan ang mga bulb ay nasa maximum 30 watts.

Heto ang isa pa sa mahalaga… entries should not contain any political affiliation, statements, or advertisements.

Habang ang judging criteria ay naaayon sa tema (10 percent), craftsmanship at durability (20 percent), materials use (10 percent) at creativity at originality (30 percent).

O ano pang ginagawa mo riyan… oo, ikaw na taga- QC na may taglay na galing. Sali na kaysa nakaistambay ka lang diyan sa kanto at naghihintay sa wala. Sali na!

Pasko na sa ‘Pinas… I love Philippines talaga…kakaiba tayo sa pagselebra sa paggunita sa Kaarawan ng ating Tagapagligtas — Jesus Christ our Lord and Savior.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ex-Cong. Co, paano makauuwi kung may banta sa buhay?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA ISYU ng kontrobersiyal na flood control ghost projects ng Department …