Monday , December 23 2024
Allan De Castro Jeffrey Ariola Magpantay Catherine Camilon

Ex-police major, aide/driver arestado sa pagkawala ni Camelon

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Arestado ng mga local na awtoridad ang nasibak na police major, kinilalang si Allan De Castro at ang kanyang aide-driver na si Jeffrey Arriola Magpantay, tinaguriang pangunahing suspek sa pagkawala ng isang dating beauty pageant candidate na si Catherine Camilon sa Tuy, noong 12 Oktubre 2023, sa Balayan, Batangas.

Sina De Castro at Magpantay ay ikinulong sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong 4 Setyembre 2024 ni Hon. Jacqueline Hernandez Palmes, Presiding judge ng Regional Trial Court, fourth judicial region, Branch 3, Batangas City.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng mga akusado na nakalista bilang numero unong most wanted persons sa ilalim ng regional level sa CALABARZON.

Inaresto ng mga elemento ng Balayan police operatives sa pangunguna ng hepe na si Lt. Col. Merlin Pineda si De Castro, 40, dating police major; at si Magpantay, 34, sa Barangay Caloocan, Balayan, Batangas noong 14 Setyembre, sa pagitan ng 7:00 – 8:30 pm.

Sinampahan ng Special Investigation Task Group sa ilalim ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – CALABARZON ng criminal offenses gaya ng kidnapping at serious illegal detention sa Batangas Provincial Prosecutor Office laban kay De Castro, miyembro ng PNPA Class of 2008, at Magpantay kasama ang apat na iba pa.

Noong nakaraang Enero, si De Castro ay na-dismiss sa serbisyo ng pulisya pagkatapos niyang magkaroon ng extra-marital affair sa nawawalang beauty queen na si Camilon.

Nakalaya sa kustodiya ng pulisya sa CALABARZON police command kasunod ng pagtanggal sa kanya ng PNP-Calabarzon command sa police service.

Inamin ni De Castro ang pagkakaroon ng bawal na relasyon sa nawawalang guro ngunit nanatiling itinatanggi ang pagkakasangkot sa pagkawala ni Camilon.

Iniulat na ibinasura ng prosecutor office ng Batangas ang mga reklamong kriminal laban kina De Castro, Magpantay, at apat na John Does, gayonman, agad na naghain ng apela ang CIDG 4A sa ginawang pagbasura sa mga reklamong kriminal. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …