Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Teejay Marquez A Journey To Greatness, The Marcos Mamay Story

Teejay handang tumulong politika ‘di papasukin

RATED R
ni Rommel Gonzales

MALAYO ang nilalakad ni Mayor Marcos Mamay (ng Nunungan, Lanao del Norte) noong estudyante pa lamang siya para makarating sa kanilang eskuwelahan. Si Teejay Marquez ang gumanap na batang Marcos. At dahil salat sa buhay ay nakatsinelas lamang dahil walang pambili ng sapatos.

Kaya naman bumilib dito ni Teejay at sinabing, “Noon wala silang means, walang resources, naka-tsinelas.

“Challenging pero masarap ‘yung experience, mapi-feel mo na minsan kahit simple ‘yung buhay kung may gusto ka talaga maa-achieve mo.”

Dahil gumanap siya bilang young Mamay Marcos na naging mayor, pumasok ba sa isip ni Teejay na balang-araw ay nais di  niyang pasukin ang politika?

Ani Teejay, “Wala pa pong pumapasok na ganyan sa isip ko pero inspired ako sa mga taong pumapasok sa politika para tumulong dahil laki rin sila sa hirap.

“Ako naman siguro kung dumating sa punto na magkaroon ako ng ekstra, siguro ise-share ko na lang pero hindi po pumapasok sa isip ko na tatakbo ako.

“Kung sumobra man ‘yung maging resources ko itutulong ko na lang.

“Hindi ko pa naiisip na pumasok sa politika, pero tingnan natin, for me basta makatulong ako masaya na ako.”

Mula sa Mamay Production, nasa pelikula rin sina  Jeric Raval as Marcos Mamay, Ara Mina, Victor Neri, Polo Ravales, Julio Diaz, Devon Seron, Ron Angeles, Ali Forbes, Jethro Ramirez, Sheila Delgado, sa panulat at direksiyon ni Neal “Buboy” Tan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …