NASA 1,000 pamilyang mahihirap na residente sa Alabel, Sarangani ang binigyan ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng programang Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS).
Sa pagtutulungan ng opisina nina Senador Lito Lapid at Governor Ruel Pacquiao, nabiyayaan ng kaukulang tulong pinansiyal ang mga benepisaryo sa Sarangani nitong Martes, 3 Setyembre.
Kabilang sa mga benepisaryo ay mga estudyante, single parents, vendors, tricycle drivers, persons with disabilities (PWDs) at senior citizens.
Sa kanyang mensahe, inaasahan ni Lapid na kahit paano ay makatutulong sa kanilang pangangailangan ang kaunting ayuda mula sa pamahalaan.
Todo pasalamat ang mga benepisaryo kay Senador Lapid sa napapanahong ayuda sa kanila. (NIÑO ACLAN)