ANG MABILISANG PAGPASA ng Senate Bill No. 2793 o ang panukalang Philippine Natural Gas Development Act ay isang magandang senyales para sa mga mamumuhunan upang matiyak na mayroong natural gas na maaaring i-explore sa Filipinas.
Sa pagpapatuloy ng interpelasyon sa naturang panukala, sinabi ni Senadora Pia Cayetano, pinuno ng Senate energy committee, ang naturang panukala ay tulad ng isang higanteng billboard na nagsasabi sa buong mundo na ang Filipinas ay bukas sa mga mamumuhunan para natural gas.
“It seeks to declare that the Philippines is open and will have very clearcut policies on natural gas, indigenous natural gas development, so that, in itself, is going to send the right signal,” sagot ni Cayetano sa pagtatanong ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa kasagsagan ng interpelasyon.
Naniniwala si Cayetano na masasagot na rin ang mga tanong ng mga namumuhunan kung handa pa ang Filipinas na i-develop ang indigenous gas resources at bukas sa mga pamumuhunan na tugon sa lahat ng investors, Pinoy man o dayuhan.
Ani Cayetano, layon ng SB 2793 na mag-promote ng awareness at makapagbigay ng oportunidad para sa mga investors.
“There’s been little done to legislate support for exploration of natural gas which peaked in the 1970s, when at least 150 wells had been drilled. This was when Malampaya was discovered,” ani Cayetano.
Dagdag niya, “Patunay ito na hindi tinatalikuran ng Filipinas ang pagkakaroon ng exploration sa kasalukuyang natural gas resources.”
Iginiit ni Cayetano na ang SB 2793 ang magtitiyak upang punan ang pagkukulang sa polisiya, framework, legal support, at dagdag na insentibo sa mga namumuhunan na muling bubuhay sa exploration ng indigenous gas resources.
“It gives the Philippines another chance to develop and use its own indigenous gas. It’s an opportunity because let me emphasize, this is indigenous gas. It is found in the Philippines. It is owned by the Philippines,” diin ni Cayetano.
Nanindigan si Cayetano na ang pagpasa bilang isang batas sa SB 2793 ay isang magandang senyales na nagpapakitang seryoso ang pamahalaan na bigyang prayoridad at gamitin ang indigenous gas na makatutulong din upang bumaba ang presyo ng koryente at matiyak ang seguridad ng supply nito.
“Natural gas is called a transition fuel, and we have proof that there is, it’s available in the Philippines,” dagdag ni Cayetano na nagsagawa rin ng inspeksiyon sa Malampaya facilities kamakailan.
“So by passing this law, it’s like erecting a billboard on EDSA globally and tell them that the Philippines is prioritizing natural gas. If you are an expert in natural gas, you’re welcome to come here. We have good business opportunities,” giit ni Cayetano.
Nang tanungin ni Pimentel kung mayroon pang natural gas location sa Filipinas sagot ng senadora ay marami at kanyang tinukoy ang mga ito.
Gayondin, pinalawig pa ng 15 taon ang Service Contract No. 38 na nagpapatakbo sa Malampaya gas field.
Pagtitiyak ng Prime Energy, ang pangunahing consortium na nagpapatakbo ng Malampaya, handa silang magkaroon ng drill para sa dalawang bagong wells upang mapalawig ang gas field’s life at maka-produce ng bagong gas para sa 2026. (NIÑO ACLAN)