NASA 1,000 tricycle drivers ang nabigyan ng family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isinagawa sa Cavite City nitong Miyerkoles, 4 Setyembre.
Sa inisyatiba ng opisina ni Senador Lito Lapid, bukod sa food packs, nabiyayaan din ng kaukulang tulong pinansiyal ang mga benepisaryo.
Ang mga benepisaryo ay pawang apektado ng bagyong Enteng (International Code: Yagi) na nanalasa sa Cavite, Metro Manila, Rizal, at ibang lalawigan sa bansa.
Ang pangangailangan ng mga benepisaryo ng relief goods at ayuda ay galing sa DSWD.
Todo pasalamat ang mga benepisaryo kay Senador Lapid sa napapanahong ayuda sa gitna ng kalamidad.
Naging daan sina Cavite City Mayor Denver Christopher Chua at Vice-Mayor Benzen Rusit para maisakatuparan ang relief distribution at payout ng ayuda sa tricycle drivers. (NIÑO ACLAN)