Thursday , April 17 2025

Senate energy panel chair segurado
DRILLING NG MALAMPAYA NEW WELLS ASAHANG MAGIGING MATAGUMPAY

083024 Hataw Frontpage

TINIYAK ni Senate committee on energy chairman Sen. Pia Cayetano na magiging matagumpay sa susunod na taon ang drilling ng mga bagong gas wells na magpapatagal sa buhay ng Malampaya gas project sa lalawigan ng Palawan.

Sa isinagawang interpelasyon sa Senate Bill No. 2793 o ang panukalang Philippine Natural Gas Industry Act na si Cayetano ang sponsor, sinabi niyang mataas ang kanyang tiwala na ang drilling para sa dalawang bagong gas wells ng Prime Energy ay magdudulot ng positibong resulta na magpapalawig sa buhay ng  Malampaya deep water gas to power project.

Ang Prime Energy ang pangunahing kompanya ng Consortium 38 na nagpapatakbo ng Malampaya gas field kasama ang iba pang miyembro kabilang ang pag-aari ng pamahalaan na Philippine National Oil Company – Exploration Corporation (PNOC-EC).

Sa naganap na interpelasyon nitong Miyerkoles, tinanong ni Senador Joel Villanueva si Cayetano tungkol sa development timelines ng naturang  exploration projects at kung makatutulong ba itong tugunan ang pangangailangan sa koryente o enerhiya ng bansa.

“Drilling will start next year, (and this) hopefully will have immediate results. So (by) then we would be able to give more updates on how much can be extracted from those new sources,” ani Cayetano.

Idinagdag ni Cayetano, ang drilling para sa new wells ay mayroon na talagang target source na kinompirma ng bagong gas deposits.

“There’s already (a) confirmed source, so we already have that, and that will extend the life (of Malampaya). That immediate approval of Senate Bill 2793 will encourage more energy companies to do exploration work for natural gas and energy projects as the proposed law ‘seeks to create that environment which is open to investors, all kinds, everyone’,” paliwanag ni Cayetano.

Sa sandaling maging batas na ang panukalang Senate Bill 2793 ay titiyakin nitong maging mas prayoridad ang indigenous natural gas kompara sa  imported at conventional fuels para sa power generation.

“And then later on, the bill would also create this environment where there will be purchases of the gas,” dagdag ni Cayetano.

Sa Senate Bill 2793, matutulungan ang bansa upang matiyak ang kasiguruhan sa elektrisidad sa bansa o bawasan ang problema at mabawasan din ang mga disruptions sa supply ng koryente.

“When we support this natural gas bill, this will ensure that we now have a steady supply that comes from our own country, hindi tayo vulnerable sa mga nangyayari sa ibang bansa,” ani Cayetano kasabay ng pagtukoy sa international conflicts gaya ng agresyon ng malalaking bansa sa maliliit bansa na mayroong epekto sa supply at presyo ng liquefied natural gas (LNG).

Nauna rito, sinabi ni Cayetano, ang Senate Bill 2793 ay sakop ang lahat ng aspekto ng natural gas industry kabilang ang transportasyon, transmission, storage, at iba pa.

Ipinunto ni Cayetano, sa sandaling maging batas ang naturang panukala ay tiyak na matutulungan ang  Philippine natural gas industry na makapag-comply sa international at local best practices.

Binigyang-diin ni Cayetano na magiging tugon din ang Senate Bill No. 2793 upang makamit ang nais makamit ng Philippine Energy Plan 2023-2050 para sa isang “inclusive at sustainable development kaakibat ng moderno at malinis na energy technologies.”

“Natural gas, as previously declared by the Department of Energy (DOE), will act as a transition or bridge fuel to full green energy that would reduce or eliminate fossil fuels in the Philippine energy mix,” pagwawakas ni Cayetano. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …