LIGTAS na nakabalik sa bansa ang 16 overseas Filipino workers (OFWs) lulan ng Emirates Airlines flight EK-332 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 mula Lebanon.
Ang mga naturang OFWs ay boluntaryong nag-avail ng repatriation program ng gobyerno.
Sila ay natatanggap ng tulong-pinansiyal na P75,000 mula sa Department of Migrant Workers (DMW) action fund at iba pang suporta mula sa gobyerno.
Bukod dito, tatanggap sila ng karagdagang P75,000 mula sa OWWA at P20,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Umabot na sa kabuuang 305 OFWs ang na-repatriate ng pamahalaan galing sa Lebanon mula noong 2023 dahil sa lumalalang hidwaan sa pagitan ng Israeli at Hamas. (NIÑO ACLAN)