NAGSAGAWA ang Las Piñas Public Employment Service Office (PESO), sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE), ng TUPAD Orientation para sa mga disadvantaged at displaced workers.
Ginawa ang naturang oryentasyon sa Mayor Nene Aguilar DRRMO Building sa Barangay Talon Dos, sa nasabing lungsod.
Pinangunahan ni Vice-Mayor April Aguilar ang naturang aktibidad at binigyang diin ang kahalagahan ng nasabing programa para makapagbigay ng agarang trabaho sa mga nangangailangan.
Kaugnay nito, nagpasalamat si Aguilar mga ginawang kolaborasyon ng pamahalaang lokal at nasyonal para sa implementasyon ng TUPAD program.
Hinimok ng opisyal ang mga lumahok na samantalahin ang nasabing oportunidad.
Paliwanag ng Las Piñas LGU, ang TUPAD orientation ay nagpapakita ng commitment ng lungsod na suportahan ang mga residente nito at siguruhin na may pagkukuhaan para sa kanilang kabuhayan. (NIÑO ACLAN)