Friday , November 22 2024
Alan Peter Cayetano

Cayetano, pabor sa POGO ban

IPINAHAYAG ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkoles ang suporta niya sa panukala ni Senator Risa Hontiveros na ipagbawal ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa, ngunit nagmungkahi ng ibang paraan ukol sa pagkolekta ng buwis nito.

“Would it be a remedy to put an absurd amount of tax amending the tax law that Senator Risa said, but let’s say putting a 10,000 percent tax on POGOs which will effectively ban it?” tanong ni Cayetano sa pagtatalakay ng Senado ng ‘create more bill’ nitong Miyerkoles, 28 Agosto.

Sa kaniyang panukala, iminungkahi ni Hontiveros na magdagdag ng isa pa sa ilalim ng Section 28 na magtatanggal sa umiiral na lisensiya ng mga POGO.

Kasunod ng panukalang ito ni Hontiveros, pinanindigan ni Cayetano ang kanyang posisyon na ang simpleng pagtatanggal ng buwis ay hindi sapat upang ipagbawal ang mga POGO.

“If we repeal it, we’re not banning POGOs, we’re actually taking out the tax from the POGOs,” sabi niya.

Sa kanyang interpelasyon, tinalakay ni Cayetano ang maaaring idulot ng pag-repeal ng mga buwis maging ang potensiyal na epekto ng mataas na tax rates sa mga offshore activity.

“There’s no argument with the intent and I’d like to thank Senator Risa kasi nga I think it’s timely,” sabi niya.

“Let’s find a final solution [to this] and put it into the law,” dagdag ni Cayetano. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …