Thursday , November 14 2024
Pork is Safe

Pork is Safe campaign ng mga magbababoy suportado ng DA

TINIYAK ni Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu  Laurel, Jr., ang suporta nito sa kampanya ng mga magbababoy sa Filipinas na ipaalam sa publiko na ligtas na kainin ang baboy sa buong bansa.

Sa ginawang “pork is safe lechon chopping event” sa Pasay, kinilala ni Laurel na ang pork industry sa bansa ay isang haligi ng sektor ng agrikultura.

Kaugnay nito ay marapat aniyang tulungan at sama-samang solusyonan ang mga problemang kinakaharap nito.

Matatandaang matagal nang inaaray ng mga magbababoy sa Filipinas ang problema sa African Swine Fever (ASF) na nagresulta sa mahinang benta at pagkalugi ng ilang mga negosyante.

Ibinunyag i Laurel na sisimulan na ang pagbabakuna ng ASF sa Biyernes at mayroong sapat na pondong nakalaan ang pamahalaan para sa taong ito.

Bukod kay Laurel nais din ni AGAP Party-List Rep. Nicanor Briones na dagdagan ang pondo ng sektor ng agrikultura para sa susunod na taon para sa indemnity bilang kompensasyon sa mga magbababoy na namatay ang alagang baboy dahil sa ASF.

Parehong sang-ayon sina laurel at Briones sa panukalang dapat ay confined lamang ang agarang pagbabakuna sa isang babuyan sa sandaling makaranas ng ASF ang isa o ilang mga alagang baboy. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …