Sunday , December 22 2024
TESDA ICT

Paghahanda ng SHS graduates  hinimok palakasin ng TESDA para makapasok sa trabaho

HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na paigtingin ang mga hakbang upang mapataas ang kahandaan sa trabaho ng senior high school (SHS) graduates, kasunod ng ika-30 anibersaryo ng ahensiya. 

Ito ang naging pahayag ni Gatchalian matapos niyang matanggap mula sa ahensiya ang Special Kabalikat Award bilang pagkilala sa kanyang adbokasiya na patatagin ang Technical and Vocational Education and Training (TVET) sa bansa. Matatandang ipinanukala ni Gatchalian ang pagpondo at pagpapatupad sa Free National Certification Assessment Program ng TESDA sa ilalim ng 2024 national budget.

May P438 milyong nakalaan sa ilalim ng TESDA para sa pagsasagawa ng mga libreng competency assessments at pag-isyu ng mga national certifications sa mga mag-aaral ng senior high school sa ilalim ng technical-vocational-livelihood (TVL) track. Inaasahang 420,967 mag-aaral sa SHS sa ilalim ng TVL track ang makikinabang sa naturang pondo.

Nagpanukala rin si Gatchalian ng P50 milyong pondo sa ilalim ng 2024 national budget upang madagdagan ang mga assessor ng TESDA. Titiyakin nito na may sapat na kakayahan ang ahensiya upang ipatupad ang programa.

Dahil libre na ang assessment at certification, hindi na magbabayad ang mga mag-aaral para sa assessment na umaabot sa P1,008.29 kada mag-aaral. Ang gastos sa assessment ang isa mga dahilan kung bakit mababa ang certification rate sa mga SHS graduates sa ilalim ng TVL track. Noong School Year (SY) 2019-2020, 127,796 (26.3%) lamang sa 486,278 SHS-TVL graduates ang kumuha ng assessment.

Umabot naman sa 124,970 o 98% ng mga kumuha ng assessment ang pumasa at nakakuha ng national certification. Bumaba sa 6.8% ang overall certification rate noong SY 2020-2021.

Umaasa si Gatchalian na makatutulong ang programa na itaas ang certification rate ng mga mag-aaral sa SHS-TVL upang tumaas ang tsansa nilang makakuha ng magandang trabaho. Matatandaang 50% ng mga mag-aaral sa SHS-TVL na pumasok sa trabaho ay nasa elementary occupations tulad ng mga cleaners, vendors, at mga domestic helpers, batay sa pagsusuri ng Senate Committee on Basic Education sa datos ng Labor Force Survey.

“Nagpapasalamat ako sa TESDA dahil katuwang natin sila upang gawing libre ang assessment at national certification para sa ating mga senior high school graduates sa TVL track. Patuloy nating isusulong ang mga reporma upang lalong mapatatag ang TVET at matiyak na handa ang ating mga graduates na magtagumpay sa mga pipiliin nilang mga larangan,” ani Gatchalian.

Isinusulong din ni Gatchalian ang pagsasabatas ng Batang Magaling Act (Senate Bill No. 2367) upang gawing institutionalized ang libreng assessment at certification para sa mga senior high school graduates. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …