Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lito Lapid

1,750 mangingisdang naapektohan ng oil spills sa Bataan, nabiyayaan ng food packs mula sa senador

NAMAHAGI si Senador Lito Lapid ng family food packs para sa 1,750 mangingisda sa Limay, Bataan nitong Huwebes, 22 Agosto 2024.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Lapid na mahalagang maabutan ng kahit kaunting tulong ang mga mangingisdang biktima ng oil spill mula sa lumubog na barko sa Lamao point, Limay, Bataan kamakailan.

Inaasahan ni Lapid na kahit paano ay maitatawid ng bawat pamilya ng mga mangingisda ang kanilang pangangailangan sa naibigay na food packs.

Noong 25 Hulyo, lumubog ang MT Terranova na may kargang 1.4 milyong litro ng industrial fuel sa karagatan ng Lamao point, Limay.

Noong 6 Agosto, ideneklara ni Bataan Governor Jose Enrique “Joet” Garcia ang state of calamity dahil sa oil spills dulot ng tatlong oil tankers na lumubog sa karagatan na umabot sa 28,000 mangingisda ang naapektohan at nawalan ng hanapbuhay dahil sa sunod-sunod na oil spills mula sa MT Terra Nova sa Limay, MT Jason Bradley, at MV Mirola 1 sa Mariveles, Bataan.

Magiliw na sinalubong si Lapid ng mga benepisaryo at maluha-luhang nagpasalamat sa napapanahong biyaya sa kanila.

Malugod na tinanggap nina Limay Mayor Nelson David, Vice-Mayor Richie Jason David, Brgy. Chairman Nestor Nabaunag, at Sangguniang Bayan members si Senador Lapid sa mabilis na aksiyon at personal na paghahatid ng tulong sa mga mangingisdang nawalan ng hanapbuhay dahil sa oil spills sa kanilang bayan.

Nauna rito, namahagi ang ‘Supremo ng Batang Quiapo’ ng 1,000 family food packs sa mga mangingisda sa Mariveles, Bataan noong 21 Agosto sa mismong kaarawan ng Senador.

Mismong si Mariveles Mayor AJ Concepcion ang humingi ng tulong kay Senador Lapid para sa mga mangingisda sa kanyang bayan. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …