Friday , November 8 2024
Alice Guo

Tumakas man, kaso tuloy pa rin  
ALICE GUO MANANAGOT

NANINDIGAN si Senador Win Gatchalian na itutuloy ng Senado ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Guo Hua Ping, kilala rin bilang Alice Guo, para sa perjury at para sa kanyang patuloy na pagsuway sa subpoena ng Senado, sa kabila ng mga ulat na nakaalis na siya ng bansa.

Kahit nakaiwas sa awtoridad ang natanggal na alkalde, sinabi ni Gatchalian na sisiguraduhin niyang mananagot ang mga tumulong sa pagtakas ni Guo.

“Ito ay isang sampal sa Bureau of Immigration, sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at sa in-charge na airport manager. Hindi ka basta-basta makakalakad sa isang paliparan nang hindi ka nade-detect at hindi ka makalalagpas sa airport kung wala kang dokumento. Kailangan mong dumaan sa immigration na pinapaligiran ng maraming CCTV. Maraming mga ebidensiya sa bawat galaw sa loob ng paliparan hanggang makasakay ng eroplano,” sabi ni Gatchalian.

Gayonman, binigyang-diin niya na ang pagtakas ni Guo ay hindi dapat humadlang sa pag-usig ng gobyerno sa kanya.

“Ito ay isang temporary setback para sa bansa pero dapat ituloy ang mga kaso. Siya ngayon ay nahaharap sa maraming kaso. Lumiliit na ang kanyang mundo kaya hindi malayong mahuli na rin siya,” sabi ng senador.

Binigyang-diin ng mambabatas na ang mga maling pahayag habang nasa ilalim ng panunumpa ay paglabag sa Article 183 ng Revised Penal Code (RPC).

Gayondin, ang pagtanggi ni Guo na dumalo sa mga pagdinig ng Senado ay paglabag sa Article 150 ng RPC na nagpaparusa sa mga sumusuway sa imbitasyon ng Kongreso na dumalo sa mga pagdinig.

Matatandaang nag-isyu na ang Senado ng arrest order laban kay Guo at iba pang indibiduwal dahil sa pagtanggi nilang dumalo sa mga pagdinig na isinagawa ng Committee on Women, Children, Family Relations at Gender Equality.

“Hindi sapat na ipagbawal natin ang mga POGO. Kailangan nating tiyakin na ang mga responsable sa mga krimen ay mananagot sa kanilang mga aksiyon. Dapat managot at mahalagang makasuhan ang mga taong nasa likod ng mga krimen na kinasasangkutan ng mga POGO,” pagtatapos ni Gatchalian. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Pet Clinic, Animal Shelter sa Vitas Honey Lacuna

Pet Clinic, Animal Shelter sa Vitas, bukas na — Mayor Honey

GOOD news para sa  pet lovers. Binuksan na ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan  ang pet …

Alan Peter Cayetano Chemical Weapons Convention OPCW

Panukalang palakasin tindig ng bansa laban sa chemical weapons

NAGPAHAYAG ng suporta si Senador Alan Peter Cayetano sa panukalang batas na naglalayong palakasin ang …

Donald Trump Kamala Harris

2024 US election results  
TRUMP WAGI vs KAMALA

TINALO ni Donald Trump si Kamala Harris upang maging ika-47 Presidente ng Estados Unidos — …

110724 Hataw Frontpage

Philippine Natural Gas Industry Development Act
SEGURIDAD SA ENERHIYA, PROTEKSIYON vs MATAAS NA PRESYO NG KORYENTE

SINABI ni Senador Pia Cayetano, chairperson ng Senate committee on energy, ang Senate Bill (SB) …

110724 Hataw Frontpage

6 bigtime drug dealers, dakip sa P15-M shabu, marijuana, ecstacy

MAHIGIT P15 milyong halaga ng shabu ang nakompiska ng mga operatiba ng Quezon City Police …