Friday , November 22 2024
Ex-mayor Malonzo nagsampa ng kaso vs Caloocan officials na nahuli sa loob ng casino

Ex-mayor Malonzo nagsampa ng kaso vs Caloocan officials na nahuli sa loob ng casino

CALOOCAN CITY –— nagsampa sa Ombudsman ng kasong administratibo si dating Caloocan Mayor Rey Malonzo laban sa dalawang barangay chairman dahil sa pagpasok at paglalaro nito sa loob ng isang casino sa Parañaque City.

Tinukoy ni Malonzo ang sinampahan ng kaso na sina Caloocan barangay chairmen Marlon Aquino ng Brgy. 2 at Noli Estolano ng Brgy. 3.

Ayon kay Malonzo, noong 14 Hunyo 2024, pumasok at naglaro sa Solaire Resort and Casino ang dalawa na mahigpit na ipinagbabawal sa lahat ng halal na opisyal at mga empleyado ng gobyerno, alinsunod sa Department of Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular (MC) No. 2018-25; at Office of the President Memo Circular (OP) No. 06 (s. 2016), batay sa Sec. 2 of RA No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Aniya, “Matapos dumalo sa isang birthday party, ang dalawang kapitan ay nakita sa loob ng casino at nagparetrato at ipinaskil sa Facebook social media account kung saan naroroon ang kanilang mga aktibidad bilang mga barangay chairman.”

Nakasaad sa reklamo sa Ombudsman, “Sa mga pinost nilang larawan, makikita na nag-e-enjoy at pinagmamalaki ang tila marangyang pamumuhay na meron sila. May picture ang dalawa na nasa harap ng mga slot machine, at ang isang picture naman ay makikitang nakaupo sa isang poker table si Kap. Noli.  Ito ay hindi magandang halimbawa para sa aming mga kababayan sa Caloocan. Paano nila maayos ang aming mga barangay sa lungsod kung ang simpleng pagsunod po sa mga kautusan ng gobyerno ay di nila isinasabuhay?”

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …