Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Caloocan City

Ex-Caloocan Mayor Malonzo kinasuhan mga opisyal ng Caloocan na nahuli sa loob ng casino

 CALOOCAN CITY — nagsampa sa Ombudsman ng kasong administratibo si dating Caloocan Mayor Rey Malonzo laban sa dalawang barangay chairman dahil sa pagpasok at paglalaro nito sa loob ng isang casino sa Paranaque city.

Kinilala ni Malonzo ang kinasuhan na sina Caloocan barangay chairman Marlon Aquino ng Brgy. 2 at Noli Estolano ng Brgy. 3.

Ayon kay Malonzo, noong Hunyo 14, 2024, pumasok at naglaro sa Solaire Resort and Casino ang dalawa na mahigpit na ipinagbabawal sa lahat ng halal na opisyal at mga empleyado ng gobyerno, batay sa Department of Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular (MC) No. 2018-25; at Office of the President Memo Circular (OP) No. 06 (s. 2016), na ayon sa Sec. 2 of RA No. 6713 o“Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.”

 Aniya: “Matapos dumalo sa isang birthday party, ang  2 kapitan ay nakita sa loob ng casino at nagpa-picture at ipinost sa Facebook social media account kung saan ay naka-post din ang kanilang mga activities bilang mga barangay chairman.”

Ayon pa sa Ombudsman complaint:“Sa mga pinost nilang larawan, makikita na nag-eenjoy at pinagmamalaki ang tila marangyang pamumuhay na meron sila. May picture ang dalawa na nasa harap ng mga slot machine, at ang isang picture naman ay makikitang nakaupo sa isang poker table si Kap. Noli.  Ito ay hindi magandang halimbawa sa para sa aming mga kababayan sa Caloocan. Paano nila maayos ang aming mga barangay sa lungsod kung ang simpleng pagsunod po sa mga kautusan ng gobyerno ay di nila isinasabuhay?”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …