Suportado ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang panukalang dagdagan ang taon ang termino ng lahat ng nahalal na opisyal ng barangay.
Ipinahayag ito i Tolentino sa kaniyang pagdalo sa 2024 National Congress ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas na may temang “Powering Up.”
Ayon kay Tolentino, kulang na kulang ang tatlong taong paglilingkod ng isang nahalal na opisyal ng barangay upang maisakatuparan niya ang mga programa sa kaniyang nasasakupan.
Nais ni Tolentino na tulad ng isang Pangulo ng bansa ay dapat na anim na taon ang isang termino ng isang opisyal ng barangay upang higit na maayos niyang mapagseserbisyuhan ang kanyang mga nasasakupan.
Dagdag ni Tolentino, tatalunin pa niya ang isang alcalde sa haba ng kaniyang termino.
Maiiwasan na rin umano ang pagkontrol sa mga kapitan ng barangay ng mga lokal na opisyal sa tuwing sasapit ang local elections.
Ipinahayag din ni Tolentino na maghahain siya sa Senado ng panukalang magpapalawig sa termino ng mga kapitan.
Tinukoy ni Tolentino na kanya ring isasama sa panukala ang direktang pagbaba at pakikipag-ugnayan ng mga ahensiya ng pamahalaan sa mga kapitan upang higit na matukoy ang higit na pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.
Kabilang sa ahensya ng pamahalaan na tinukoy ni Tolentino ay ang Department of Public Works and Highways upang sa Ganon ay hindi magulat ang mga kapitan na mayroong na lamang darating na imburnal sa kanila o may magaganap na kontruksyon, Department of Health (DOH) para higit na maipagkaloob serbisyo at pangangailangan sa kalusugan ng mga bawat mamamayan ng barangay, Department of Agriculture and Bureau of Fisheries para naman sa mga pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda, Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa tulong na kailangan ng mga mamamayan at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Naniniwala din si Tolentino na sa panukalang ito ay tiyak na mababawasan din ang korupsyon sa bansa. (Niño Aclan)