Sunday , December 22 2024
Rodrigo Duterte Chavit Singson

Duterte nagpahayag ng suporta sa pagtakbo ni Chavit bilang Senador

NAGPAHAYAG ng suporta si dating Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson sakaling tatakbo ito sa pagka-senador sa susunod na taon.

Ani Duterte, isa nang batikang politiko si Singson bukod pa sa kaibigan niya ito.

“Susuportahan ko si Chavit (Singson) if he runs for senator. Kaibigan ko. Seasoned politician ‘yan,” ani Digong sa pre-recorded Basta Dabawenyo podcast na ibinahagi ni Davao City Mayor Baste Duterte sa kanyang YouTube channel.

Kung sabihin mong sa day to day na buhay ng Filipino, alam niya ang problema ng Filipino kung ano roon sa pinakaibaba. 

“Hindi ‘yung mga graduate na summa cum laude tapos hindi nila kapa, ‘yung kati roon sa baba ng Filipino community.”

Iginiit pa ni Digong na, “Not just because he is my friend, but because alam ko at alam ninyong lahat na matagal na sa politika iyan.

In everyday life, his long experience in politics means he understands the Filipino problems that must be addressed (by the government),” lahad pa ni Duterte.

Thankful naman si Singson sa pag-eendoso sa kanya ng dating chief executive.

Ayon sa malapit kay Chavit, pinag-iisipan pa ng dating senador ang pagtakbo bilang senador.

Pero aminado ito na marami ang kumukumbinseng balikan ang politika at tumakbo nga bilang senador.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …