Friday , November 15 2024
SM nagkaloob ng 3,700 “Kalinga Packs” sa mga komunidad sa Bulacan na sinalanta ng bagyo

SM nagkaloob ng 3,700 “Kalinga Packs” sa mga komunidad sa Bulacan na sinalanta ng bagyo

KASUNOD ng pinsalang dulot ng Habagat na pinalakas ng bagyong Carina, ang Bulacan ay isa sa mga lalawigang tinamaan sa Central Luzon, kasunod ng matinding pagbaha at pinsala sa impraestruktura, agrikultura, at mga alagang hayop nito. 

Sa kasalukuyan, isinailalim ang lalawigan sa state of calamity gaya ng inirekomenda ng mga lokal na awtoridad. 

Bilang tugon, ang SM Supermalls at SM Foundation Inc., sa pamamagitan ng programang Operation Tulong Express (OPTE), ay nagpasimula ng isang serye ng mga relief operations upang magbigay ng agarang tulong. sa mga komunidad na naapektohan ng bagyo sa lalawigan. 

Isang round of relief operations ang isinagawa ng SM City Marilao sa mga apektadong barangay sa Bulacan. 

Sa Marilao, hindi bababa sa walong barangay ang nabigyan ng “Kalinga Packs,” kabilang ang Lambakin, kung saan iniulat ang malaking bilang ng mga lumikas na pamilya na umabot hanggang bubong ng karamihan sa mga bahay ang baha. 

Bukod rito, ipinamahagi ang mga relief packs sa mga binahang lugar at mga evacuation center sa Obando.

May kabuuang 2,400 benepisaryo ang nabigyan ng tulong sa kani-kanilang relief distribution habang may kabuuang 1,000 pamilya ang nabigyan ng tulong sa mga lugar tulad ng Tiaong, San Jose, Sta. Barbara, Poblacion, at Tibag. 


               Ang SM Center Pulilan naman ay nagsagawa ng pamamahagi ng mga relief packs sa Barangay Tinejero at Poblacion, na nakinabang ang hindi bababa sa 300 pamilya sa bayan. 

Ang OPTE, isang social good initiative ng SM Foundation sa pakikipagtulungan sa SM Supermalls at SM Markets, ay idinisenyo upang mabilis na maihatid ang mahahalagang suplay sa mga komunidad na apektado ng mga kalamidad at krisis. 

Sa pagtutok sa mahihinang populasyon, tinitiyak ng programa na maaabot ang kritikal na tulong sa mga taong higit na nangangailangan nito. 

Nakatuon ang SM sa pagpapalawak ng mga pagsisikap nito sa pagtulong upang maabot ang mas maraming komunidad na nangangailangan habang nagbabago ang sitwasyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …