Sunday , December 22 2024
Multinational Village

Writ of Execution ng DHSUD bigong ipatupad ng pulisya

NAWALAN NG SAYSAY ang ipinalabas na Writ of Execution ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) na nilagdaan ni Atty. Norman Jacinto Doral na nagsasaad na kinikilala nila ang grupo ni Multinational Village Homeowners Association Inc. (MVHAI) Arnel Gacutan at ipinag-uutos sa grupo ni Julio Templonuevo ang pagsuko ng mga records ng asosasyon katulad ng libro, records ng pondo, mga pag-aaring real properties, at iba pang assets ng asosasyon.

Bagamat naisilbi ni DHSUD-NCR Enforcement Officer Santiago Undecimo, Jr., sa grupo ni Templonuevo ay hindi umano nila alam bagkus ay tuluyang nagmatigas na manatili sa tanggapan ng Homeowner Association.

Hindi nawala ang tensiyon sa pagsisilbi ng Writ at nagkapalitan ng salita ang dalawang kampo hanggang nauwi sa sakitan ng mga guwardiya na nasa hurisdiksiyon ni Templonuevo at sa grupo ni Gacutan.

Ngunit nagtataka ang grupo ni Gacutan, sa kabila ng nagaganap na komosyon at gulo ay tila walang ginagawang aksiyon ang pulisya at hindi man lamang nagawang umawat o mang-aresto.

Napag-alaman na ang head security ng grupo ni Templonuevo ay dating opisyal ng Parañaque police kaya sumasaludo pa ang mga pulis tuwing makikita siya.

Kaugnay nito nanawagan ang kampo ni Gacutan sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na kumilos na upang maipatupad ang Writ of Execution at paalisin na sa puwesto si Templonuevo.

Giit ni Gacutan, tila walang saysay ang kanilang hininging tulong sa PNP dahil hindi kumilos upang tuluyan nilang mai-takeover ang club house ng multinational village lalo na’t mayroon nang finality ang desisyon ng Korte Suprema kasunod ng entry of judgement.

Bukod dito, binigyang-diin ni Gacutan na dapat ay hindi ang pulis ng Parañaque ang umalalay sa kanili sa pagpapatupad ng Writ nang sa ganoon ay magkaroon ng katuparan ang naturang kautusan.

Humingi rin ng paumanhin si Gacutan sa mga mamamayan ng komunidad sa patuloy na kaguluhang nililikha ng kabilang grupo.

Tiniyak ng grupo ni Gacutan na gagawin nila ang lahat ng legal na pamamaraan upang maibalik ang kaayusan at katahimikan sa kanilang village. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …