PARA matiyak ang mas mabilis na pagtugon sa panahon ng sakuna, inilunsad ng Muntinlupa ang iRespond mobile application, ang kauna-unahang emergency and rescue assistance app sa lungsod.
“Safety is just a tap away,” ayon kay Mayor Biazon, “Sa pamamagitan ng iRespond, mas mabilis na maire-report at maaksiyonan kung kailangan ng medical assistance, fire rescue, police intervention, o iba pang kritikal na serbisyo.”
Kabilang sa mga pangunahing function ng iRespond ang one-touch emergency reporting na tinutukoy ang eksaktong lokasyon ng mga nangangailangan ng tulong; real-time incident tracking; at community alerts and notifications.
Bukod sa real-time reporting at quick response, maaari rin makatanggap sa app ng community alerts mula sa city Department of Disaster Resilience Management tungkol sa mga paghahanda at iba pang kritikal na impormasyon sa panahon ng sakuna.
Dagdag ni Mayor Biazon, “Patunay ang iRespond mobile app ng dedikasyon ng lungsod sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga mamamayan. Hindi lang natin pinahuhusay ang public safety, pinagtitibay rin natin ang katatagan ng lungsod sa panahon ng krisis.”
Ginanap ang launch ng iRespond mobile app kahapon, Huwebes, 18 Hulyo 2024 sa Crimson Hotel, Alabang, Muntinlupa City. (NIÑO ACLAN)