BIGO ang mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSSA) na madakip si Bamban Mayor Alice Guo sa mga isineklara niyang address bilang residensiya.
Naglabas ng warrant of arrest ang senado nitong Sabado dahil dalawang beses nang hindi nakadalo sa pagdinig ukol sa kontrobersiyal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) at sa pagkatao ng alkalde.
Ito ay matapos na lagdaan ni Senate President Francis Joseph “Chiz” Escudero ang warrant of arrest na inirekomenda ni Senadora Risa Hontiveros, pinuno ng komiteng nagsasagawa ng imbestigasyon.
Sa apat na grupo o team na ipinakalat ng senado para dakpin si Guo ay wala ni isa man nakadakip sa suspendidong alkalde.
Ngunit sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI) base sa tala ng Bureau of Immigration (BI) nasa bansa sa kasalukuyan si Guo at ang dati niyang Chinese name dahil walang record na nakalabas ng bansa.
Bukod Kay Guo, ipinaaaresto rin ng senado ang mga kapatid upang magbigay ng liwanag ukol sa isyu.
Hanggang sa kasalukuyang ay ginagawa ng OSSA ang lahat ng paraan upang madakip si Guo sampu ng miyembro ng kanyag pamilya. (NIÑO ACLAN)