Sunday , December 22 2024

Walang kooperasyon
DPWH SINISI NI CHIZ SA ISYU NG NEW SENATE BUILDING

071024 Hataw Frontpage

ni Niño Aclan

TAHASANG sinabini Senate President Francis Jospeh “Chiz” Escudero na ang kawalan ng kooperasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagtulak sa senado para magsagawa ng imbestigasyon ukol sa tila biglaang paglobo ng budget ng New Senate Building (NSB).

Ayon kay Escudero, matapos nilang makapag-usap ni Senador Alan Peter Cayetano, Chairman ng Senate committee on account, kapansin-pansin ang kawalan ng kooperasyon ng DPWH sa isinagawang review ng Senado sa NSB dahilan para umaksiyon ang Chairman ng komite.

“Naging mas cooperative sila (DPWH) pagkatapos ng hearing at sana ay magpatuloy iyon,” ani Escudero.

Umaasa si Escudero na hindi na muling mangyayari ang naganap sa unang pagdinig na nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Cayetano at Senadora Nancy Binay.

Tiwala si Escudero na magiging kalmado sa bawat isa ang dalawang senador dahil simple lang naman ang nais at pakay ng senado — alamin at tiyakin na ang gastusin ay maayos, tama at maghanap ng paraan kung paano ito mapapababa.

Naniniwala si Escudero na ang pagiging beterano ng dalawang senador ay dahilan para hindi na siya mamagitan pa lalo’t alam nila ang nararapat at kung ano ang dapat iwasan.

Sa pagtatalo at palitan ng mga salita nina Cayetano at Binay ay nauwi sa paghahain ng kaso sa Senate committee on ethics ni Binay habang tiwala si Cayetano na ito ay mababalewala.

Ngunit tiniyak ni Escudero, tulad ng ibang reklamo ay daraan sa tamang proseso ang reklamo ni Binay at nasa kamay ng chairman ng komite na si Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang pag-oorganisa kung kailan itatakda ang pagdinig.

Nasa kamay ni Tolentino kung paano niya maaayos o mapagkakasundo ang dalawang senador.

Binigyang-linaw ni Cayetano, walang isyu ng korupsiyon ang imbestigasyon kaya niya hinihimay at hindi naman siya ang Blue Ribbon Committee.

Hindi naitago ni Cayetano ang posiblidad na ipatawag ang kontratista ng NSB upang magbigay ng liwanag sa ilang mga katanungan.

Sinabi ni Cayetano sa pagpapatuloy ng pagdinig ng kanyang komite ngayong Miyerkoles ay nakatuon sila sa paliwanag ng DPWH.

Iginiit ni Cayetano na welcome si Binay na dumalo sa pagdinig at handa siyang bigyan ng oras na makapagsalita at magtanong. 

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …