Friday , November 15 2024
Cynthia Villar Avian biodiversity

Villar nagsusulong ng Avian biodiversity conservation

MAHALAGANG malaman ang mayamang kaibahan ng mga uri ng ibon sa ating rehiyon upang mapanatili  natin ang kanilang natural na tirahan para sa darating na henerasyon, ayon kay  Sen. Cynthia A. Villar.

Bilang Chairperson ng Senate Committee on Environment, Natural Resources, and Climate Change, sinabi ni Villar, suportado niya ang mga gawaing nagtataguyod ng conservation at preservation awareness ng mga hayop at native na halaman.

Nagbigay ang senador ng welcome remarks sa anibersaryo ng Wild Bird Club of the Philippines at launching ng 13th Asian Bird Fair sa Villar Sipag Hall sa Las Piñas City.

Iginiit ni Villar, espesyal ang pagdiriwang sa taong ito dahil sa launching ng 13th Asian Bird Fair 2024 (ABF) sa November sa Las Piñas City.

Binati niya ang Wild Bird Club of the Philippines na kanyang nakilala mula pa noong 2010.

“For bird enthusiasts, she said it is notable that LPPWP is a crucial resting and refueling stop for migratory birds using the East Asian–Australasian Migratory Flyway, with some coming from as far as Siberia,” ani Villar.

Ipinagmamalaki ni Villar na sa maraming taon, nakasama niya ang Wild Bird Club sa mga programa para matiyak ang epektibong konserbasyon ng wetland park.

Bilang mga kasapi ng LPPWP Protected Area Management Board,  regular nilang pinag-uusapan ni  Wild Bird Club President Michael Lu ang mga polisiya at interventions sa proteksiyon nito.

Ang bird fair na ito. ani Villar, ay selebrasyon ng avian diversity, conservation efforts, shared passion sa mga ibon.

Ibabahagi ito sa publiko partikular sa mga mag-aaral ng Las Piñas at Parañaque na iimbitahan sa naturang okasyon.

“Asian Bird Fair aims to foster camaraderie, cooperation, and the sharing of knowledge and best practices among bird clubs across Asia. Its goals include promoting birdwatching as a sustainable eco-tourism activity, drawing attention to various bird festivals, fairs, and races, and highlighting the unique attractions and cultural offerings of the host city,” ani Villar.

“The fair provides a platform for bird enthusiasts to exchange experiences and enhance their understanding and appreciation of avian life while contributing to bird habitat conservation and environmental awareness,” dagdag niya.

Inihayag ng senador na sa diverse activities at events, palalakasin ng Asian Bird Fair ang ugnayan sa  birdwatching community at hihikayating magkaroon ng interes sa birdwatching at conservation efforts.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …