NANINIWALA ang mga senador na higit na magpapalakas sa ating sandatahan ang kasunduan sa pagitan ng Filipinas at Japan o ang Reciprocal access agreement (RAA).
Ayon kina Senate President Francis “Chiz” Escudero, Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada, at Senador Alan Cayetano malaking tulong ito para sa patuloy na magandang relasyon ng Filipinas sa ibang mga bansa.
Naniniwala ang mga senador na hindi dapat isiping magdadagdag ito ng panibagong tensiyon sa pagitan ng Filipinas at China ukol sa West Philippine Sea (WPS).
Aminado ang mga senador na kailangan ng kaalyado ng Filipinas upang higit na mapagtibay ang relasyon.
Tiniyak ng mga senador na kanilang bubusisiin at pag-aaralan mabuti ang naturang kasunduan sa sandaling isumite ng ehukutibo at hilingin sa senado ang pagratipika sa naturang kasunduan.
Siniguro ni Escudero na tulad ng ibang tratado na pinasok ng Filipinas ay paglalaanan ito ng panahon at titiyakin na mapapakinggan ang bawat opinyon ng mga senador sa pagratipika nito. (NIÑO ACLAN)