Friday , November 15 2024
Lito Lapid

Nakabinbin pa sa Senado
ESTANDARISASYON NG SUWELDO, BENEPISYO NG BARANGAY OFFICIALS ISULONG NA – LAPID

HINIKAYAT ni Senador Lito Lapid ang kanyang mga kasamahan sa Senado na pagtibayin na agad ang inakda niyang panukalang batas para sa estandarisasyon ng suweldo at benepisyo ng mga opisyal ng barangay sa bansa.

Ginawa ni Lapid ang pahayag sa talumpati niya sa Good Governance Summit – 2nd Provincial Liga Assembly – Liga ng mga Barangay ng Northern Samar Chapter sa Seda Hotel, Quezon City noong Miyerkoles, 3 Hulyo 2024.

Sinabi ni Lapid, inihain niya ang Senate Bill No. 270 o ang An Act Standardizing the Salaries and Benefits of Barangay Officials noong 11 Hulyo 2022 ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nakabinbin ito sa committee level.

Umaasa si Lapid na maikakalendaryo na ang pagtalakay sa kanyang bill sa muling pagbubukas ng sesyon sa 22 Hulyo 2024.

“Malaki po ang maitutulong ng ating bill para mabigyan ng sapat na insentibo at suweldo ang mga barangay officials na alam naman nating lahat na siyang frontliners sa pagseserbisyo sa bayan at tagapagpatupad ng kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran sa bawat komunidad,” pahayag ni Lapid.

Nagpasalamat din si Lapid sa magiliw na pagsalubong sa kanya ng higit sa 300 opisyal ng Liga ng mga Barangay mula sa Northern Samar Chapter.

Kasama ng Senador ang kanyang anak na si TIEZA COO Mark Lapid na nangako ng ilang proyekto para sa promosyon at pagpapalago ng turismo sa nasabing probinsiya.

Bukod kay LIGA Northern Samar President Arturo Dubongco, kabilang sa mga dumalo ay ang Municipal Liga Presidents, Barangay Captains, Sanggunian Kabataan Chairpersons at iba pang opisyal mula sa 569 Barangay sa nasabing lalawigan.

Nabigyan ng parangal ng Good Governance Seal ang mga napiling Barangay na nagbigay ng mahusay na serbisyo at nag-angat ng antas ng pamumuhay ng kanilang constituents. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …