NAGHAIN ng petisyon ang Power for People Coalition sa Energy Regulatory Commission (ERC) upang hilingin na huwag payagan ang mga kontrata ng supply ng koryente ng Meralco sa apat na planta ng fossil fuel na magreresulta ng mas mahal na presyo ng koryente para sa mga consumer.
Sa unang bahagi ng taon, nagsimula ang pinakamalaking utility ng distribusyon ng bansa sa isang bidding process na nagkaloob ng mga kontrata na nagkakahalaga ng 3 GW sa mga planta ng fossil fuel na pag-aari ng San Miguel Corporation at Aboitiz Power na ang dalawang gas plant na pag-aari ng San Miguel ang kumuha ng 80 porsiyento ng nasabing kapasidad, kahit na ang isa sa mga kasali sa gas project ay umatras mula sa kontrata ng Meralco noong nakaraang taon matapos magkaroon ng pagkatalo.
“The terms of these power contracts are unfavorable to consumers and small businesses. Everyone loses except big power players: Meralco, San Miguel, and Aboitiz, who are leaving consumers no choice but to pay for more expensive electricity while their profits are soaring,” ani P4P Convenor Gerry Arances.
Sinabi ni Partido Lakas ng Masa (PLM) President Leody De Guzman, “Todo na ang pagpiga ng Meralco at ng ibang mga korporasyon sa mga konsumer – habang tumataas ang presyo ng koryente, lumiliit lalo ang napupunta sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain. Hindi ito dapat hayaang mangyari sa mga Filipino lalo pa’t usad-pagong ang pagtaas ng suweldo ng mga manggagawa.”
Sa ilalim ng kontrata ay pinapayagan ang mga planta na awtomatikong ipasa ang gastos sa fuel sa mga consumer, na labag sa “least-cost” provision ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).
Kung mapapayagan ang mga kontrata, ang mga consumer ay makukulong sa 15 taon pang mataas na presyo ng koryente. “This is precisely what Sanlakas warned about two decades ago when Congress railroaded EPIRA under the guise of preventing another energy crisis. Privatization inspires corporate greed and these contracts are further proof that these generation companies will willingly throw consumers under the bus to protect their bottom lines,” pahayag ni Sanlakas Secretary-General Atty. Aaron Pedrosa.
Hindi rin naitago ang pagkuwestiyon sa conflict of interest ng petisyon sa bidding process para sa dalawang partikular na planta matapos maganap ang joint venture ng power generation arm ng Meralco sa Aboitiz noong Marso upang bumili sa dalawang gas assets na pag-aari ng San Miguel upang mag-develop ng malaking liquefied natural gas (LNG) facility sa Batangas City.
Ang dalawang proyekto, ang Ilijan gas plant sa ilalim ng Southern Power Premiere Corporation (SPPC) at ang under-construction na Excellent Energy Resources Inc. (EERI) plant, parehong kumuha ng 1.2 GW na kontrata bawat isa.
“Even Meralco has to admit that the sequence of events is too fortuitous for San Miguel to not raise eyebrows. San Miguel announced that Meralco is a new co-owner of the two plants it just awarded big contracts to merely two months after EERI won its bidding round, with SPPC following a few weeks after,” dagdag ni Arances.
Ikinakasa ng mga grupo na ang mga terms ng mga kontrata ay labag sa kompetisyon sa unang lugar, na sadyang pumipigil sa mga proyektong renewable energy na pumasok.
“The terms of reference of the contracts set energy requirements, technical parameters, and minimum capacity offers that clearly favor big fossil fuel players. That’s already too many red flags for the ERC to ignore,” dagdag ni Pedrosa.
“We are asking the ERC to reject these contracts as part of their responsibility of protecting the public. Otherwise, they will condemn a new generation of consumers to 15 years or more of expensive power.” pagwawakas ni Arances. (NIÑO ACLAN)