Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sonny Angara DepEd

Angara bagong DepEd secretary

TINANGGAP ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang alok na maging kalihim ng Department of Education (DepEd) matapos magbitiw si Vice President Sara Duterte noong 19 Hunyo epeketibo hanggang 19 Hulyo, taong kasalukuyan.

Inianunsiyo ng Tanggapan ng Pangulo sa pamamagitan ng Presidential Communication Office (PCO) ang pagtatalaga kay Angara ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., bilang kalihim ng DepEd.

Agad nagpahayag ng pasasalamat si Angara sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Pangulo kasunod ng pagtitiyak na umaasa siyang makatutuwang siya ng adminitrasyon para sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon at pag-unlad ng sektor.

Nagpapasalamat din si Angara sa mga taong nagtiwala sa kanya at nagrekomenda sa naturang posisyon.

Umani ng papuri ang Pangulo sa mga senador sa pagpili kay Angara bilang kapalit ini Duterte.

Kabilang dito ang kanyang kaalyado sa magic 7 na sina dating Senate President Juan Miguel Zubiri, senators Win Gatchalian, Loren Legarda, at Nancy Binay.

Nagpahayag din ng suporta at pagbati sina Senate President Francis Joseph “Chiz” Escudero, at Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada.

Inaasahang magiging madali ang kompirmasyon ni Angara sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) sa sandaling sumalang siya rito.

Batay sa tradisyon ng CA ang isang dating miyembro ng dalawang kapulungan ng kongreso ay pinagkakalooban ng kortesiya para sa magaan na kompirmasyon. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …