Sunday , June 30 2024
Fred Mison Agenda Forum sa Club Filipino

Sa Lanao del Sur
3,000 ILOCANO SETTLERS NAGPASAKLOLO SA SC  
Operasyon ng SPDA  ipinatitigil

NAGPAPASAKLOLO sa Korte Suprema ang 3,000 Ilocano settlers sa Barangay Sumugot sa Lanao del Sur na pinaalis sa kanilang lupain at inilipat sa isang lugar na pag-aari ng Southern Philippines Development Authority (SPDA) upang ipatigil ang ginagawa nitong mga operasyon.

Tahasan itong sinabi ng pinuno ng mga Ilocano settlers sa kanilang pagharap sa lingguhang Agenda Forum sa Club Filipino.

Ito ay matapos gibain ang kanilang mga tahanan at wasakin ang pananim ng mga traktora noong Disyembre, kasunod ang utos sa mga displaced families  na magsitigil sa pagtatanim sa Barangay Sumugot upang bigyan daan ang mga plantasyon ng cacao at kape.

Hindi naitago ni Efren Estoque, pangulo ng Small Ilocano Farmers Association, ang matinding pagkadesmaya sa isang media forum sa Club Filipino sa San Juan City noong Biyernes ang kanilang kalagayan.

Si Estoque, kasalukuyang nasa Mindanao, ay ika-tatlong henerasyon na inapo ng mga settlers mula sa mga lalawigan ng La Union, Pangasinan, at Tarlac.

Siya ay nanggigigil na humiling ng tulong mula sa pamahalaan upang tugunan ang kanilang kalagayan at kinondena ang kakulangan ng pansin ng media sa kabila ng isang press conference na dinaluhan ng 10 media outlets ngunit iisang blogger lamang ang nag-cover ng kanilang isyu.

Suportado ni Orlando Ravanera, dating undersecretary at chairperson ng Cooperative Development Authority (CDA), ang mga pahayag ni Estoque.

Binanggit niya ang pagkakasangkot ng mga lokal na political dynasty at korporasyon sa mga alitan sa lupa.

Binanggit ni Ravanera na ang kasalukuyang alkalde ng Sultan Mastora, pinalitan ng kanyang asawa, ay nagpapatuloy sa isang pamana ng political dominance na umano’y pumipigil sa mga lokal na magsasaka.

Iniugnay niya ang konteksto ng kasaysayan ng mga isyu sa lupa sa administrasyon ni Pangulong Ramon Magsaysay, na nagbigay ng karapatan sa mga Ilocano settlers na mag-develop ng lupa.

Inakusahan ni Ravanera ang SPDA at mga kaugnay na korporasyon sa pagkasira ng mga pananim gamit ang mga traktora, na kadalasang sinusuportahan umano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP).

Binanggit niya na ang mga magsasaka ay naranasang maputulan ng supply ng tubig at pagkasira ng daan.

               Sa isang media conference sa Cagayan de Oro City, ibinahagi ni Noel Subido ang isang masaker na kinasasangkutan ng kanyang ama at 21 iba pa, kasama ang isang buntis na babae.

Sa kabila na naroon ang 5th Infantry Division ng Philippine Army, wala uamnong aksiyon na isinagawa ang mga awtoridad.

Kinondena ni Ravanera ang mga paglabag sa karapatang pantao at ibinunyag ang patuloy na mga usapan kasama si SPDA Administrator Gerry Salapuddin at ang Commission on Human Rights, na aniya’y tila sumusuporta sa mga korporasyon na interesado sa paggamit ng lupaing pinag-aawayan.

Binigyang-diin ni Leonardo “Leony” Montemayor, dating Kalihim ng Kagawaran ng Pagsasaka at Chairperson ng Federation of Free Farmers, na ang mga plano ng SPDA para sa mga plantasyon ng kape at cacao ay nagpalikas sa mga lokal na magsasaka.

Kinokondena ni Montemayor ang paggamit ng Presidential Decree 2046, na inilabas noong araw na binawi ang Batas Militar noong 1981, upang ipaliwanag ang kontrol ng SPDA sa lupa.

Inilaban niya ang mga lugar na pinaunlad ng mga magsasakang Ilocano na aniya’y hindi dapat ipasa sa mga korporasyon, at inireklamo ang mga paglabag sa pambansa at pandaigdigang batas.

Plano nila at ng iba pang tagapagtaguyod na magtagpo sa mga embahador ng European Union upang talakayin ang mga paglabag sa karapatang pantao sa Barangay Sumugot.

Naniniwala sila na ang pandaigdigang pagkilala sa mga pang-aabuso na ito ay maaaring makaapekto sa pag-i-export ng cacao ng Kennemer Foods International papuntang EU. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Krystall Herbal Oil

Liver spots sa mukha pinapusyaw ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Munti LGU nagtatag ng support group para sa mga batang may espesyal na pangangailangan

Munti LGU nagtatag ng support group para sa mga batang may espesyal na pangangailangan

NAGTATAG  ng support group para sa mga magulang ng batang may special needs ang pamahalaang …

QC quezon city

Sa Quezon City 
5 BARANGAY, NAKATAKDANG IDEKLARANG “DRUG CLEARED”

NAKATAKDANG ideklara ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QC-ADAAC) na drug-cleared ang lima pang …

shabu drug arrest

Umihi, nanapak ng parak
TRUCK HELPER HULI SA SHABU

PATONG- PATONG na kaso ang kinakaharap ng isang truck helper makaraang masita sa pag-ihi sa …

Navotas

2 teachers kabilang sa mga bagong scholar ng Navotas

DALAWANG GURO mulasa pampublikong paaralan ang kabilang sa nabigyan ng scholarship sa ilalim ng NavotaAs …