Friday , November 15 2024

POGOs GATASAN NG MGA KAWATAN — POE

062724 Hataw Frontpage

ni NIÑO ACLAN

TAHASANG sinabi ni Senadora Grace Poe na tila nagiging gatasan ng mga magnanakaw ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa kung kaya’t nararapat na i-ban na ito.

Ayon kay Poe, tila isang malaking sakit sa ulo ng pamahalaan ang POGO lalo sa mga dulot nitong kriminalidad tulad ng modern-day slavery, vices, at illicit activities.

“Talagang sakit ng ulo itong mga POGOs. Mayroong mga legal POGOs, pero ang problema ay pinauupahan nila ang kanilang mga permits para magamit ng ibang operators,” ani Poe, ang bagong chairman ng Senate committee on finance.

Tinukoy ni Poe na ang imbestigasyon ng senado ukol sa ni-raid na POGO complex sa Bamban, Tarlac ay nagpapakita kung paanong ang isang kompanya ay kayang-kayang lumabag sa mga batas at alituntunin ng bansa hanggang tumungo sa mga ilegal na gawain.

               “Sa loob lamang ng higit isang taon, ang illegal activities ng mga POGO ay naging full-blown operations sa loob ng ‘self-contained compounds.’ Binaha tayo ng ebidensiya kung gaano kabuktot at kasalimuot ang tunay na mundo ng POGO. Nais ko lang sabihin na ipinalalabas nito na may korupsiyon at nanganganak ng korupsiyon at nasasangkot pa ang mga tao sa gobyerno dito,” dagdag ni Poe.

Dahil dito, muling iminungkahi ni Poe ang totally ban sa POGO sa buong bansa lalo na’t hindi naman ito magawang i-regulate dahil sa mga protektor na labas-pasok sa ating pamahalaan.

“Please we have to ban POGOs, i-ban na natin ang POGO dahil hindi natin sila kayang bantayan. Nakikita natin na ang ating gobyerno ay nahihirapan dahil nga may mga protektor sila. Kung may nagsabi na ban na ang POGOs, mas madali na natin matutunton ‘pag may operation, hindi kayo puwede diyan, ganoon lang kasimple ‘yon,” giit ni Poe.

About Niño Aclan

Check Also

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …