“I WILL RESIGN.”
Ito ang tahasang sinabi ni Senador Manuel “Lito” Lapid sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ukol sa pagdinig sa kontroberisyal na mga krimen at ilegal na gawain ng mga Philiipine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa, sa sandaling mapatunayang may kinalaman siya rito.
Kasunod nito mariing pinabulaanan ni Lapid na sangkot o mayroon siyang kinalaman sa naturang operasyon lalo sa mga ilegal na gawain at mga krimeng kinasasangkutan.
Mariing pinabulaanan ni Lapid, na naunang inihayag ng isang vlogger na siya ang nagmamay-ari ng sampung ektaryang lupain na kinatitirikan ng ni-raid na POGO Hub sa Porac, Pampanga.
Iginiit ni Lapid na hindi niya pahihintulutang marumihan ang kanyang pangalan, na ilang beses nahalal bilang vice-governor ng Pampanga nang tatlong taon, natapos ang tatlong termino bilang Gobernador ng Pampanga, at ang pagpapakapanalo para sa kanyang ika-apat na termino bilang senador.
Dahil dito, hindi naitago ni Lapid ang paghiling sa kinauukulan at sa senado ng mas malalim pang imbestigasyon upang tuluyang malantad ang mga mukha ng taong nasa likod ng mga ilegal na gawain at krimeng kinasasangkutan ng mga POGO.
Hiniling ni Lapid sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa naturang vlogger na tumanggi siyang tukuyin ang pagkakakilanlan. (NIÑO ACLAN)