HINDI natatakot si dating Caloocan Rep. Edgar Erice na personalin siya ng Commission on Elections (COMELEC) sa darating na 2025 senatorial at local elections, maisiwalat lamang niya ang malaking posibilidad na magkaroon ng failure of election Kung matutuloy nag kontrata sa MIRU.
Dahil dito iniharap ni Erice sa publiko ang mga posibleng kaharaping problema ng 2025 midterm elections.
Ayon sa dating mambabatas, maraming red flags sa sistema ng MIRU na posibleng hindi nakita ng COMELEC.
Isa sa punto ni Erice, ang recast feature ng bagong vote counting machine.
Aniya, base sa paliwanag ng COMELEC, sa nasabing feature ay maaring magdagdag ang botante ng kanilang boto na makikita sa digital receipt kapag kulang ang shade nito sa balota.
Pangamba ni Erice, ang simpleng sistema ng recast ay maaring magdulot ng sandamakmak na disenfranchised voters.
Paliwanag niya sa ilang segundong delay, kapag pinagsama-sama ay maaaring tumagal at maging dahilan ng pagkainip ng mga botante at hindi na bomoto habang ang ibang pipila at magtitiyaga ay mapagsasarahan ng presinto.
Panawagan ni Erice sa COMELEC, magsagawa ng time and motion trial para maiwasan ang kaguluhan sa mismong araw ng eleksiyon. (NIÑO ACLAN)