Sunday , December 22 2024
Revilla Marikina

Tulong pangkalusugan tiniyak ng pamilya Revilla sa mga Taga-Marikina

TINIYAK ng pamilya Revilla sa mga mga pinuno at mamamayan ng lungsod ng Marikina sa pangunguna ni Senador Ramon Revilla, Jr., handa ang kanilang tanggapan kahit anong oras upang magbigay tulong sa mga nangangailangan lalo sa usaping pangkalusugan.

Ang pagtitiyak ng mga Revilla ay matapos dumalo ang kanyang kabiyak na si Cavite Congresswoman Lani Mercado-Revilla upang pangunahan at saksihan ang pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tig-P2,000 sa 2,000 mamamayan ng lungsod ng Marikina.

Bukod sa kongresista, saksi rin sa pamamahagi si Marikina Mayor Marce Teodoro at Congresswoman Maan Teodoro.

Sa isang live video message, sinabi ni Senador Revilla, kailanman ay hindi niya makakalimutang magsilbi sa bawat mamamayan ng Marikina lalo na’t kahit kailanman ay hindi siya iniwan sa mga laban na kaniyang tinahak maging sa pelikula, telebisyon, at sa mga pagsubok sa buhay.

Siniguro ng senador sa mag-asawang Teodoro na anomang oras na kailangan nila ang tulong at suporta ng kanilang pamilya ay nariyan siya.

Nanawagan si Congresswoman Revilla sa lahat ng mamamayan ng Marikina na huwag magdalawang-isip na lumapit sa tanggapan ng mag-asawang Teodoro para himingi ng tulong sa kanilang kalusugan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga guarantee letter sa mga government hospital at mga ospital na mayroong memorandum of agreement (MOA) ang Department of Health (DOH).

Partikular na tinukoy ng Kongresistang Revilla ang mga taong sumasailalim sa dialysis, chemotheraphy, at iba pang uri ng medical procedures para pagalingin ang kanilang mga sakit.

Kaugnay nito, hindi naitago ng kongresista na tukuyin ang ilan sa mga naging batas na ang pangunahing may-akda ay ang kanyang asawang senador sa pakikipagtulungan niya at ng kanyang dalawang anak na kongresistang sina Bryan at Jolo Revilla.

Ilan rito ang Centenarian Act para sa mga senior citizen, edad 80, 85, 90, at 95 anyos, dagdag na chalk allowance act para sa mga guro, ang pangmatagalang bisa ng mga birth certificate, marriage contract, at death certificate, ang dagdag na night differential act para sa mga pampublikong manggagawa, ang mabilisan at matagal na expiration ng pasaporte at marami pang iba. (NIÑO ACLAN) 

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …