Friday , November 15 2024
Pastor Quiboloy

Warrant of arrest isinilbi vs Quiboloy, 5 iba pa

NAGTUNGO ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Special Action Force (SAF) sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Buhangin District, lungsod ng Davao, nitong Lunes 10 Hunyo, upang ihain ang warrant of arrest laban sa kanilang pinunong si Pastor Apollo Quiboloy, at limang iba pa.

Ayon kay P/Maj. Catherine dela Rey, tagapagsalita ng PNP PRO 11, isinilbi ang warrant of arrest laban sa kontrobersiyal na pastor at limang iba pang suspek matapos ang malalim na imbestigasyon kaugnay sa mga kasong child abuse, sexual abuses, at anti-trafficking law.

Paglilinaw ni Dela Rey, walang naganap na raid kahapon ng umaga kundi hinanap ng mga awtoridad ang anim na suspek kabilang si Pastor Quiboloy na subject ng arrest warrant.

Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan na nauwi sa pag-spray ng tubig sa mga awtoridad ng mga tagasuporta ng suspek na pastor nang ayaw nilang papasukin ang mga alagad ng batas.

Nakita sa kuha ng Sonshine Media Network International (SMNI) ang insidente hanggang makapasok ang mga awtoridad sa compound ng KOJC upang hanapin si Quiboloy, na nakatalang pugante, limang iba pa na akusado sa tatlong krimen.

Bigong madakip si Quiboloy ng mga awtoridad dahil hindi siya natagpuan sa mga compound ng KOJC.

Sinampahan si Quiboloy ng kasong paglabag sa Section 5(b) ng RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act, at Section 10(a) of RA 7610 sa hukuman sa lungsod ng Davao.

Kinahaharap din ni Quiboloy ang kasong Qualified Human Trafficking sa ilalim ng Section 4 (a) ng RA 9208, na nakasampa sa lungsod ng Pasig.

Parehong naglabas ang mga hukuman sa lungsod ng Davao at Pasig ng warrants of arrest laban kay Quiboloy at iba pang mga akusado.

Pinayagan ng Korte Suprema ang hiling ng Department of Justice (DOJ) na ilipat ang mga kasong kriminal laban kay Quiboloy mula lungsod ng Davao sa Quezon City noong nakaraang buwan upang matiyak ang makatarungang pagdinig.

Kabilang ang Senate Committee on Women, na pinangungunahan ni Sen. Risa Hontiveros, sa pagpupursigi sa pagdakip kay Quiboloy.

About hataw tabloid

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …