Tuesday , June 18 2024
Federation of Free Farmer FFF

Rice Tariffication Law (RTF) naging pahirap 
MAGSASAKANG PINOY UNANG TATAMAAN NG MABABANG TARIPA

AMINADO si Leonardo “Ka Leony” Montemayor, Chairman ng Federation of Free Farmers (FFF) na malaki ang epekto sa ipinatutupad ng pamahalaan na pagbaba ng taripa ng mga agricultural products.

Ayon kay Montemayor sa kanyag pagdalo sa lingguhang “The Agenda” forum sa Club Filipino, tiyak na lalong darami ang papasok na imported agricultural products sa bansa dahilan upang magkaroon ng mas maraming kakompetensiyang murang produkto ang ating mga magsasaka.

Dahil dito, aniya, tiyak na malulugi ang mga magsasaka gayondin mababawasan ang pakinabang ng mga magsasaka mula sa mga singil sa taripa na naibibigay sa kanilang tulong ng pamahalaan.

Naniniwala si Montemayor na nagiging pahirap ang rice tarrification law sa kanilang magsasaka dahil mas lalong naging bukas para sa mga may kakayahang mag-apply ng import permits upang maging sagana ang kanilang gagawing importasyon sa agrikultura.

Umaasa si Montemayor na magkakaroon tayo ng tinatawag na pre-inspection upang sa ganoon ay agad matukoy sa point of origin kung tama ba ang ideneklarang kargamento at halaga nito na nakapaloob sa import permit at mainspeksiyon muli pagdating sa pantalan ng bansa upang matiyak na maiwasan ang smuggling, under declaration, at iba pang maling gawain.

Kaugnay nito, kompiyansa si Montemayor na dahil nitaripika ng kongreso ang Anti-Agricultural Smuggling Act bago ang recess ng session ay malalagdaan sa lalong madaling panahong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., bilang isang batas, kaya tiyak na matatakot ang mga smuggler, hoarder at profiteer.

Tinukoy ni Montemayor na hindi biro ang parusang bukod sa multa ay habang buhay na pagkakabilanggo para sa mga mapapatunayang nagkasala. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

SM Supermalls 100th Job Fair 1

SM Supermalls Celebrates Milestone with 100th Job Fair

June 14, 2024 – Manila, Philippines –SM Supermalls proudly hosted its 100th job fair, reinforcing …

‘Mangangalakal’ bugbog-sarado sa 15 sekyu ng Las Piñas subdivision

‘Mangangalakal’ bugbog-sarado sa 15 sekyu ng Las Piñas subdivision

BUMUHOS ang suporta para sa isang 26-anyos ‘mangangalakal’ na biktima ng pambubugbog at pagmamaltrato ng …

Mark Leviste Vilma Santos

VG Mark handang magparaya kay Ate Vi sakaling tatakbo muling gobernador

I-FLEXni Jun Nardo NAKARATING kay Batangas Vice Governor Mark Leviste ang pahayag ni Finance Secretary Ralph Recto na kinu-consider …

Queen Vi Rodriguez ACT AGRI-KAAGAPAY

ACT AGRI-KAAGAPAY, nakiisa sa parada ng kalayaan 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKIISA ang Act Agri-Kaagapay Organization, isang non-government organization na nagsusulong …

Lito Lapid

Lapid: Raid sa POGO hub sa Pampanga, isama sa Senate investigation

NANAWAGAN si Senador Lito Lapid sa Senado na isama sa imbestigasyon ang pagsalakay ng mga …