Sunday , December 22 2024

Konstruksiyon ng NSB ipinatigil ni Escudero 
‘MARITES’ SINISI NI BINAY

061124 Hataw Frontpage

SINISI ni Senator Nancy Binay ang ‘marites’ na aniya’y mas pinaniwalaan ni Senate President Francis Joseph “Chiz” Escudero kaysa harapin o kausapin siya

bilang dating committee chairperson ng Senate on Accounts sa ilalim ng administrasyon ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri.

Ito ay matapos iutos ni Escudero ang pagpapatigil sa konstruksiyon ng New Senate Building (NSB) dahil sa natanggap niyang impormasyon na ito ay ‘over budget’ o lumampas sa itinakdang budget.

Reaksiyon ni Binay, tila umasa si Escudero sa ‘mga marites’ at ‘mga bubuyog’ na ‘bumubulong’ sa kanya kaysa kausapin ang dating nangangasiwa sa pagpapatayo ng bagong gusali ng senado nang sa ganoon ay tamang datos at impormasyon ang kanyang naibigay sa bagong lider ng senado.

               Binalikan ni Binay ang 2019 kung kailan si Escudero ay bahagi ng 17th congress kaya naniniwala siyang batid ng una ang tinukoy ni dating Senador Panfilo “Ping” Lacson sa sesyon na ang P8.9 bilyon ay maliwanag na isang Multi-Year Obligation Authority (MYOA) na tanging nakalaan para sa core at shell ng NSB habang ang gastos sa interior at fit outs ng gusali ay iba pa.

“Sa totoo lang, nagulat din ako kung saan nanggagaling ang info ni SP Escudero with regard the New Senate Building. Sadly, kung noong una pa man sana ay nagkaroon ng time si SP na magtanong at alamin ang tungkol sa construction developments, sana’y mas naliwanagan siya at nakapagbigay siya ng inputs at suggestions kung paano mas makatitipid para hindi maantala ang paglipat ng Senado sa bagong gusali,” ani Binay.

‘Fake news’ para kay Binay ang tungkol sa umano’y three-level basement parking ng Senate building sa Taguig, dahil wala ito sa desinyo ng naturang gusali.

Nagtataka si Binay dahil noong panahon niya bilang pinuno ng naturang komite ay opisyal siyang nagpadala ng imbitasyon sa lahat ng senador para isagawa ang ocular inspection at one-on-one briefing para sa progreso, kalagayan, kung kailan matatapos ang gusali, at iba pang mga impormasyon ukol sa New Senate Building.

Sa kabilang banda, nauunawaan ni Binay ang hangarin ni Escudero na i-review ito, ngunit dapat itong madaliin dahil ang pagkaudlot ng proyekto ay nangangahulugan ng dagdag na gastusin sanhi ng delay.

“There is a sense of urgency to complete the construction by 2025. Delays would mean cost adjustments, additional charges, penalties, and another round of rental. The Senate cannot afford any set back because each day of delay has cost implications — I agree with SP that we need to look for ways to bring the costs down,” dagdag ni Binay.

Nanindigan si Binay na handa siyang ipatawag at humarap sa mga katanungan at paglilinaw ukol sa naturang proyekto upang kanilang maberipika nang tama ang kanilang mga impormasyon lalo’t ‘call & text away’ lamang umano ang kanilang pagitan.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …