Sunday , December 22 2024
Bagong Pilipinas Hymn

Hymn at pledge ng Bagong Pilipinas pang-Executive lang — SP Escudero

TAHASANG sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi maaring ipilit sa senado, sa kongreso,  hudikatura at iba pang mga constitutional body ang pag-awit at panunumpa ng Bagong Pilipinas.

Ayon kay Escudero hindi sila sakop ng ipinalabas na Memorandum Circular No. 52 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, dahil ito ay maaaring epektibo lamang sa ehekutibo.

Binigyang-diin ni Escudero, sumusunod ang senado sa Watawat ng Pilipinas at Heraldic code sa ilalim ng Republic Act No. 8491 kung ano ang nararapat sambitin sa flag ceremony.

Dahil dito iniutos ni Escudero sa Senate Secretariat ang agarang pag-aaral ukol sa inilabas na memo ng Palasyo.

Inilinaw ni Escudero, walang masamang banggitin at awitin ang hymn at pledge ng Bagong Pilipinas upang makahikayat ng pag-asa, pagkakaisa, at progreso.

               “This is not only a reminder to ourselves, it is also reminder to government officials that these are the things our countrymen expect from us,” ani Escudero.

Ayon kay Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada maituturing na ilegal o iregular ang inilabas na MC 52.

Naniniwala si Estrada na wala itong pagkakaiba sa pagpapaawit sa senate, school, at university hymn na isang paraan upang ipakita ang pagiging makabayan at pagkakaisa ng mga Filipino.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …