Friday , November 15 2024
Francis Tolentino Kanlaon

Tolentino tiniyak malinis na tubig sa apektado ng Kanlaon 

BINIGYANG-DIIN ni Senate majority leader Francis Tolentino ang dapat tiyakin ng pamahalaan na magkaroon ng access sa malinis at maiinom na supply ng tubig ang mga residente na apektado ng pagputok ng Mount Kanlaon.

Inilinaw ni Tolentino sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maaaring kontaminado ang supply ng tubig sa mga komunidad na nakaranas ng pagbuga ng abo mula sa bulkan.

Kaugnay nito, pinatitiyak ng majority leader na magkakaroon ng maayos na koordinasyon sa mga local water districts para masigurong malinis ang supply ng tubig.

Tiniyak ng DSWD na nirerepaso nila ang mga kasalukuyang kasunduan na mayroon sa mga water district utilities sa lugar.

Base sa inisyal na datos ng DSWD, nasa 2,000 indibiduwal mula sa 16 barangay sa Negros Occidental at apat na barangay sa Negros Oriental ang apektado ng pag-aalboroto ng Mt. Kanlaon.

Tinatayang nasa 1,400 inidibiduwal ang kasalukuyang nananatili sa evacuation centers. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …