Friday , November 15 2024
Risa Hontiveros NSC

Hikayat sa NSC
Alerto vs POGO itaas bilang nat’l security threat — Hontiveros

NANAWAGAN si Senadora Risa Hontiveros kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na tuluyang ipagbawal ang Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa bansa dahil sa grabeng banta sa seguridad ng bansa.

Ginawa ni Hontiveros ang panawagan kay Marcos bilang pinuno ng National Security Council (NSC) matapos ang isinagawang executive session ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality ukol sa epekto ng POGO sa bansa at kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon kay Bamban Mayor Alice Guo na pinaniniwalang may kaugnayan dito.

Ayon kay Hontiveros na tumangging isiwalat ang naganap sa executive session, aminado siyang natukoy sa talakayan na ang POGO ay banta sa seguridad ng bansa.

Ngunit tumanggi si Hontiveros na isa-isahin ang iba’t ibang klaseng banta sa seguridad dahil ang kanilang isinagawang imbestigasyon ay nais matukoy ang kaugnayan sa human trafficking, o sa kahit anong uri ng sindikadato partikular ang money laundering.

Sa kabila nito, sinabi ni Hontiveros, ginagawa ng mga ahensiya ng pamahalaan na dumalo sa executive session ang imbestigasyon upang tuluyang matuldukan at matukoy ang banta ng POGO sa ating bansa.

Ayon kay Hontiveros, mula sa mga kinatawan ng NSC na dumalo sa executive session, tatalakayin

nila kay Pangulong Marcos ang lahat ng kanilang napag-usapan upang makagawa ng desisyon ukol sa POGO.

Umaasa ang senadora, tatalakayin sa pagbabalik ng sesyon ng mga senador ang naunang committee report na ginawa ni Senador Win Gatchalian na nilagdaan ng mayorya ng mga senador para irekomenda na tuluyang i-ban ang POGO sa bansa.

Naniniwala ang Senadora, ang pag-ban sa POGO ang paraan para tuluyang maalis ang banta sa seguridad ng bansa at mahinto ang krimen na may kaugnayan dito. 

Sa huli, iginiit ni Hontiveros na nasa kamay ng Pangulo ang tunay na kapalaraan ng POGO lalo na’t walang katotohanan na nagbibigay ito ng trabaho sa mga Filipino bagkus ay biktima ang mga kababayan natin ng mga pang-aabuso. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …